Habang nasa byahe, pinag usapan namin ang set up. Sa exclusive school for girls nag aral si Jane kaya hindi pwedeng sabihing magkaklase kami. Ayaw naman niya ng ideyang textmate kami. Hindi din pwedeng common friend dahil kilala ng nanay ko ang lahat ng kaibigan ko. Mabibilang lang kasi sa daliri.
Ang napagkasunduan? Wala. Bahala na si SpongeBob.
Naglakad kami sa eskinitang papasok sa amin. Bakas kay Jane ang takot. Dumikit siya sa akin at napahawak sa aking braso. Malambot ang balat niya at halos tumayo ang lahat ng pwedeng tumayo sa akin dahil sa kiliting dala ng kanyang bahalahibo. Pero inalis ko muna ang lahat ng kalokohan sa isip ko. Kailangan makumbinsi kong makakauwi pa siya ng buhay at kumpleto ang spare parts.
"Natatakot ka? Huwag kang mag alala hindi squatters area ang lugar namin. Masikip lang talaga ang mga daan" paliwanag ko kay Jane.
"Sure ma? Baka may biglang mag amok dito."
"Wala. Tapos na kagabi." Napasimangot siya at mas lalong dumikit sa akin. "Akala ko ba blackbelter ka?"
Tinulak niya ako palayo. Sayang, nag eenjoy pa naman ako. "Loko ka. Mas okay na siyempre na walang gulo. Tahimik naman siguro dito."
"Oo naman! Sobrang peaceful ang lugar na to!" Sobrang peaceful dahil pumanaw na ang mga panggulo.
"Lumayas ka Berto!!!" sigaw ng isang babae sa bahay na nadaanan namin. Ngayon, mga babae na ang naghahari harian sa lugar simula nang maubos ang matatapang na kalalakihan.
"Tahimik pala ha?!!" sarkastikong wika ni Jane.
"Anong tawag dyan?"
"Bagong lipat lang abg mga yan kaya exempted sila." kakamot kamot sa ulong palusot ko.
"Puno ka nang palusot. I like you kahit corny ang mga joke mo."
"Hoy bawal ma inlove!" sigaw ko sa kanya.
"Hindi ako nai in love, nagugustuhan ko lang ang ugali mo!" bulyaw niya pabalik. Hobby siguro niya ang makipagtalo kaya palging sumisigaw.
"Baka kasi kung saan mapunta ang like-like na yan. Lugi naman ako." Unti unting nawawala ang kaba ko. Nakatingin na ako sa kanyang mukha at nakakapagbiro na ako.
"Basta hindi ako nai in love! Tapos!"
"Sumisigaw ka?"
"Hindi! Binibigyan ko lang ang emphasis," katwiran niya.
"Sure ka ha?! Rule number 3. Honesty."
"I'm very sure, Loi." Napangiti naman ako, hindi dahil sa ganda ng boses niya kundi sa ganda ng bago kong pangalan. "Hindi ako ang babali ng sarili kong batas." dagdag pa ni Jane.
Pinapanood kami ng mga tao hababg naglalakad. Parang kaming celebrity. May ilang nagbubulungang at ang mga lakaii naman ay halos mabali ang leeg sa paghabol ng tingin.
Sa wakas, umeepekto na ang plano ko. Hindi na ako ang talunan sa pagkakataong ito. Win win situation ang pinasok ko. Ako na ang gwapo!
Pagdating namin ng bahay, napuno agad ang bintana ng mga media na walang mikropono. Kung ano ang madinig nila, siguradong ibo broadcast na sa buong eskinita.
Kamakailan ng lamang, nabalita si Mang Isko at ang kanyang asawa na aswang dahil madalas na may naririnig na pag ungol sa kanilang bakuran. Hindi ko nga alam kubg anong klaseng ungol ang nadidinig.
"Diyos ko poa, Anak!" Gulat na gulat si Mommy nang makitang may kasama akong babae. Hawak na niya agad ang kanyang dibdib. Anumang sandal ay pananawan na siya ng ulirat at tatalunin ang Star For All Seasons sa galing niyang umarte. "Anak, bakit kailangan mong gumawa ng masama?"
BINABASA MO ANG
HU U?
Teen FictionWalang makakapigil kung puso mo na talaga ang nagdikta. Walang sa yaman o hirap ang pagmamahal nasa sa atin na din kung paano natin ito panghahawakan.