Chapter 6

51 1 0
                                    

Namuo ang laway sa aking lalamunan. Hindi agad ako nakapagslita. Binalot ako ng takot, parang gusto kong umuwi at manood na lang ng Doraemon.

Kung mabubuking kami sa kalokohan namin, malamang isang suntok lang niya, burado na agad ang mukha ko.

"O-opo." Alerto akong tumayo nang tuwid kahit halatang may dagang nagdadaos ng Intramurals sa aking dibdib.

"Matatagalan pa siguro si Jane. Alam mo naman ang mga babae, mabagal kumilos at inuubos ang oras sa harap ng salamin."

Hindi ko alam ang isasagot. Sa totoo lang, first time kong dumalaw sa bahay ng babae kaya hindi ko alam ang katanggap tanggap na kilos.

"Oo nga po. Dami kasi nilang rituals bago lumabas ng bahay."

"Naglalaro ka ba ng chess?" Itinuro niya mesang yari sa marmol sa may garden. Naka set up na ang chess pieces sa ibabaw ng mesa. "Chess muna tayo habang di pa bumababa ang hinihintay mo."

Ngumiti ako nang bahagya kahit medyo pilit.

Pakiramdam ko inilaglag ako ni Jane. Malamang pinagtatawanan niya ang itsura ko ngayon. Daig ko pa ang manok na di makaitlog sa kaba.

"Naglalaro po, hindi nga lang magaling." sagot ko.

Ipinatong niya ang kanyang kanang kamay sa aking balikat at inalalayan ako patungo sa garden.

Wala akong balak maging sundalo dahil mabigat ang baril pero parang mas mabigat pa ang kanyang braso.

Feeling close na agad siya sa akin. Kung hindi lang siya daddy ni Jane, malamang binigwasan ko na.

"Paborito kong laro ang chess. Sa katunayan, kahit nag iisa ako, naglalaro ako nito."

Siya ang unang tumira gamit ang English opening. Iniangat ko naman ang isang pawn para pigilan ang balak niya.

"Pansin ko nga din po sa mga sundalo, mahilig talaga sa board games. Bukod po sa nakakatanggal ng stress, parang sinasalamin ng larong ito ang profession nyo."

"Tama ma, Hijo. Pero serbiyo ang ginagawa namin, hindi propesyon." pagtutuwid niya sa sinabi ko. "Bukod don, inihahambing ko sa larong ito ang isang pamilya."

Naunawaan ko naman ang gusto niyang sabihin. Itinuturing niyang siya ang ang mga pawns sa larong chess, queen ang mahal niya sa buhay at ang king ang kanilang tahanan. Bilang isang pawn, kailangang protektahan ang lahat at maiwasan ang pagkasira ng tahanan.

Seryoso ang aming pag uusap. Ramdam ko kung gaano niya pinahahalagahan ang kanyang pamilya.

"Nauunawaan ko po." sagot ko sa kanya kahit hindi naman ako masyadong interesado sa kwento at drama ng buhay niya.

"Loi?"

"Po?"

"Gaano mo kamahal ang anak ko?"

Natigilan ako. Inaamin ko, maganda si Jane pero wala akong pagtingin sa kanya. Si Sofia pa rin ang laman ng puso ko.

"Kung sa chess po, ako ang knight." binuhat ko ang piyesang hugas kabayo at inalis ang kanyang rook. "Handa akong pasukin ang buong kaharian ng kalaban para maiwasan ang pagkasira ng sarili kong kaharian. Handa din po akong magsakripisyo para hindi mapahamak ang aking reyna."

Napalitan ng ngiti ang seryoso niyang mukha. "I like you, Hijo. Sana maging madalas ka dito. Huwag mong sasaktan ang anak ko."

Siguro dapat ang anak niya ang sasabihan niya dahil lagi akong gustong balian ng buto ni Jane.

"Makakaasa po kayo."

Ayos, nakuha ko ang loob niya. Kung kakampi ni Jane ang Mommy ko, ang Daddy naman niya ang alas ko.

Ang pagkakataon nga naman, hindi mo alam kung kailan naglakaro.

"Sa itsura mo naman, alam kong hindi ka gagawa ng masama." aniya

Hindi ba katanggap tanggap ang itsura ko? Siguro mukha lang talaga akong anghel kaya niya nasasabi iyon.

Kinamayan niya ako biglang pagtanggap sa kanyang pagkatalo. "Salamat sa laro. Rematch tayo sa muli nating pagkikita." sabi niya. Daldal kasi nang daldal kaya natalo.

Tumayo kami at bumalik sa sala. Bumaba si Jane ng hagdanan tulad ng napapanood ko sa pelikula na may kabagalan ang paglalakad. Parang gusto ko siyang batukan sa bagal ng kanyang kilos. Humarap siya sa amin.

Lumaki ang mata ko sa nagsusumigaw niyang dibdib pero inalis ko din agad ang tingin ko doon.

She's extremely gorgeous. Hindi ako makapaniwala na makaka date ko ang ganitong nilalang.

Nag uumpisa na ang party noong dumating kami. May mga nagsasayaw na.

Naalala ko tuloy noong JS Prom, hindi ako nagsayaw buong gabi dahil gusto kong first at last dance ko ang crush ko. Tumayo agad ako noong nadinig ko ang akmang kanta para sa aming dalawa. Perpekto na ang timing lo, ni hindi nga ako kinakabahan. Kaso bigla akong sinabotahe ng Meralco.

Unang hinanap ni Jane si Dexter at ang girlfriend nito. Noong makasigurado na nandoon ang dalawa, hinila niya ako para ibandera sa mga kaibigan niya.

Ipinakilala niya ako sa mga babaeng kita na ang kaluluwa at mukhang kagalang galang na nilalang. Gusto niyang ipamukha sa lahat na may boyfriend na siya. Para tuloy akong showtype pittbull na ilalaban sa dogshow. Pero sa kabila ng effort niya, tila wala iyong epekto kay Dexter. Hindi nga naman ako ang tipo ng lalaki na dapat pagselosan. Wala akong panama.

Nagpaalam sa akin si Jane para pumunta ng ladies room. Palagay ko naman hindi siya nababawas, pero mahigit sa kalahating oras na, hindi pa siya bumabalik.

Nag ikot ikot ako aa venue para mawala ang aking pagkainip. Alam kong kailangan ni Jane ng space dahil sa sakit na nararamdaman niya, at ang ladies room ang napili niyang venue. 

Binusog ko ang aking tiyan pati ang mga mata. Hinanap ko naman agad si Jane noong nagsawa na ako. Nakita ko siyang nakaupo sa damuhan malapit sa kalsada. Bahagya niyang niyakap ang sarili para bawasan ang lamig na dala ng hangin. Lumabas ako para samahan siya at takot din na iwan niya ako.

Nagulat siya nang maramdaman may humawi sa kanyang buhok na tumatabing sa kanyang mukha.

"Umiiyak ka?" tanong ko kahit obvious naman.

"Hindi!" tanggi niya kahit panay ang hikbi.

"Napuwing lang."

"Okay ka lang? Hindi ka na kasi bumalik sa loob."

"Masyadong masikip para sa akin ang lugar."

"Alam kong nasaktan ka. Kaya mo pa ba? Uwi na kaya tayo?"

"Mamaya na lang. Dito na lang muna tayo."

"Sayang naman ang suot mo kung ako lang ang audience mo." Nakuha niya ang ibig kong sabihin.

Ngumiti si Jane "Pinangiti mo na naman ako. Dami ko na tuloy utang sayo."

"Kailan mo balak magbayad?" biro ko.

Tumitig siya sa akin. Matagal nagtama ang aming mga mata. Napalunok ako dahil wala yata siyang balak alisin ang tingin sa akin. Na obvious pa siguro na nag blush ako

"Loi, kiss me. Now!" Biglang bumilis ang drum roll sa aking dibdib. "Please." kusa siyang pumikit.

We shared a kiss which was not intended to be more intimate. Smack lang pero nakapikit pa din siya kaya humirit pa ako ng isa. Nagdulot iyon ng nakalapanghinang pakiramdam. Hindi ko ma explain ang aking nararamdaman. Kinikilig yata ako.

To be continued...

HU U? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon