Business Management graduate ako at kasalukuyang manager ng negosyo naming grocery. Magandang pakinggan ang salitang manager pero sa simpleng salita, bantay ako.
Solong anak ako at di pinayagang magtrabaho dahil kaya naman daw nila akong buhayin. May diabetes at hypertension si Mommy kaya kapag tutol ako sa gusto niya ay bigla na lang hahawakan ang kanyang puso. Kaya natuto na lang akong suma ayon at instant na makaka recover si Mommy. May taglay yatang super healing power ang pagsang ayon ko.
Naging pampalipas oras ko ang pagte text sa mga nagpapa load na chicks. May dudedma lang at may nagrereply ng 'HU U?'. May pagkakataon nga na number pala ng tatay, kapatid o boyfriend ang natetext ko.
Isang beses, sinuswerteng may pumayag na maka text ako. Wala rin sigurong magawa. Umabot sa puntong siya n ang naging dahilan ng ngiti ko. Baduy na kung baduy pero ganoon talaga ako kapag tinamaan. Kahit nga pikit na ang isang mata, sasabihing hindi pa inaantok.
Noong napagkasunduan naming magkita, naging maayos naman ang lahat. Masaya, malambing at puno ng kilig hanggang pag uwi. Matapos ang araw na iyon, naging busy na siya. Hindi ko alam kung wala na siyang time mag text, lumaki ang daliri niya kaya hindi magkasya sa keypad o talagang ayaw na niya akong kausap.
Kaya ngayon, pumayag akong pumasok sa isang relasyon kahit kunwari lang. Bukod sa titigil na ang mga nangangatyaw sa akin, may dahilan na ako para umalis ng bahay at makipag meet sa ibang textmate. Pwede kong gamiting palusot ang pagdalaw sa kunwaribg girlfriend ko.
"I am Jane, and you are?" basag niya sa katahimikan. "Hindi ko naisip na makikipag usap ako sa isang stranger." Iniikot niya ang mug ng kape habang binabasa ang nakasulat doon.
"Call me Loi." Pinasosyal ko lang nang konti dahil medyo nahihiya akong sabihin ang pangalan ko. Zoilo Datu IV ang totoong pangalan ko, minana ko pa sa tatay ng lolo ko.
"Okay Loi, back to our deal."
Inilatag niya ang kanyang mga batas. Una, bawal mag take advantage gaya ng halik at yakap kung hindi siya abg mag i initiate. Military man ang papa niya kaya huwag daw akong gagawa ng hindi niya magugustuhan.
Pangalawa, bawal ikuwento kaninuman ang aming kasunduan. Sa oras na malaman ng iba ang kasunduan, babalian niya raw ako ng buto. Lahat ng natutunan niya sa taekwondo ay ipapatikin niya sa akin.
Pangatlo, kailangang maging honest sa isa't isa. Kahit kulay ng u nderwear, bawal ipag sinungaling.
Ang huli at binigyan niya ng diin, bawal ma in love. Kapag na in love, tapos ang deal dahil wala daw siyang balak na patulan ako.
"Sige payag ako. Isa lang ang hihilingin ko."
"Ano naman?" tanong ni Jane.
"Kailangan mong magpakilalang girlfriend ko sa Mommy ko."
"Bakit pa? Kaya lang naman tayo magpapanggap para ipakita kay Dexter na kaya ko siyang palitan agad."
"Hindi kasi ako basta nakakaalis ng bahay nang walang dahilan. Hindi ko naman pwedeng sabihin na overtime sa office dahil wala naman akong trabaho. Ako kasi abg tagapag manage ng negosyo ni Mommy"
"So, Mama's boy ka pala?"
"Hindi naman," tanggi ko. "Masunurin lang, kasi high blood si Mommy. Kapag namimili lang ako makakalabas, eh. Gaya ngayon."
"Natatawa naman ako. So you mean at your age, lahat halos ng kilos mo ay dapat alam ng nanay mo?" Halos gumulong sa kakatawa si Jane hababg tinatapik tapik ang table.
"Hindi, ah! " mariing tutol ko. "Kailangan lang may reason ang bawat lakad ko para naman hindi makaabala sa negosyo niya."
"Hmmm. Siguro dapat ka ding makilala ng parents ko para mas convincing ang plan ko."
"Sure, no problem!" pagyayabang ko kahit sa loob ko ay may takot na paulanan ako ng bala ng tatay niya.
Ikinuwento ni Jane ang kiliti ng parents niya. Ang kanyang mama ay mausisa, mahilig sa ballroom at magluto. Ang daddy niya naman ay tahimik lang at madalas maglaro ng chess kahit nag iisa. Kung masasakyan ko ang trip nila, mas mabuti daw.
Sinabi ko rin sa kanya ang background ng pamilya namin. Mula sa pagkahilig ng mga magulang ko sa cholesterol hanggang sa aso naming mahilig mag digest ng tsinelas.
"Pero gusto ko nang makilala muna ang nanay mo...ngayon."
"Ngayon?" duda ko.
"Oo. As in now na!" Namilog ang kanyabg mga mata; parang masarap dukutin at gawing holen.
"Hindi ka nagbibiro?"
"Hindi. Pag usapan natin kung paano tayo nagkakilala at kung paano naging tayo para consistent ang mga sagot natin."
To be continued..
BINABASA MO ANG
HU U?
Teen FictionWalang makakapigil kung puso mo na talaga ang nagdikta. Walang sa yaman o hirap ang pagmamahal nasa sa atin na din kung paano natin ito panghahawakan.