Chapter 8

38 1 0
                                    

Isang barangay ang layo ng apartment ni Sofia sa aming bahay. Naisipan kong maglakad para marinig ang usapan ng mga tambay. Lumaki ang tenga ko sa tuwing pakikinggan ko ang usapan nila tungkol sa akin at kay Jane. Napangiti aki kasi maraming nagsasabi na jackpot ako sa girlfriend ko.

Tinitingala nila ako ngayon. May mga sumasaludo pa nga tanda ng paghanga. Pati mga chicks di mapigilang kumaway sa akin. Syet, ang gwapo ko. Napatunayan ko na ngayon na bf material ako.

Si Sofia nag suggest na doon na lang kami magkikita sa apartment niya kesa sa ibang lugar pa. Pumayag naman ako para tipid. Makakapag usap kami nang maayos at sapat ang privacy doon dahil hindi ako kilala sa lugar nila. Panigurado, yari ako kapag nakarating kina Ermats na hindi si Jane ang kasama ko kaya mas okay na hindi na kami gagala.

Birthday niya last week at gusto niya daw ng post celebration kasama ako. Nagluto na din daw siya ng pagkain para pagsaluhan namin. Sabi pa ni Sofia, gusto niya daw bumawi sa mga pagkukulang niya kaya ginagawa niyang lahat ng iyon. Palagay ko naman, malinis ang intensyon niya na magkaayos kami.

Noong una, simpleng ka- text ko lang siya para maalis ang inip ko sa pagbabantay ng tindahan.

Minsan siyang nagpa load at naisipan kong padalhan ng ilang quotations para mapansin naman ako. Hindi naman ako nabigo.

Katulad ko, naiinip din siya kaya pumayag siyang maging ka text ko. Nag iisa lang siya sa apartment kaya malaking bagay ang may kausap kagaya ko. Nagreply siya at in entertain ang mga tanong ko. Kulang na lang, pati cup size niya usisain ko para hindi ako maubusan ng sasabihin.

Dahil madalas ko siyang kausap, inatake na naman ako ng sakit kong Super Mega Over Easy To Fall In Love Syndrome. Madalas akong wala sa sarili dahil sa sakit ko. Nahulog ang loob ko kay Sofia hindi dahil malaki ang hinaharap niya, kundi dahil sa sayang hatid niya sa akin kahit hindi kami nagkikita.

She's really sweet. Sa kanya ko naramdaman ang pagpapahalagang hinahanap ng isang lalaki. Minahal ko siya higit pa sa kayang ibigay ni Popoy kay Basha.

Naniwala naman si Sofia sa mga sinasabi ko kaya nagkasundo kaming magkita para sabihin niya ang nararamdaman niya sa akin. Sobrang saya ko, mas masaya pa sa batang estudyanteng nakatanggap ng star mula sa braso hanggang noo.

I was too excited to see her but after that day, hindi na siya nagparamdam. Sumama ang loob ko. Gusto kong magalit pero tinatamad ako.

Ngayon, nagbalik siya para bumawi at pag aralan kung worth it kung magsimula ulit kami.

Technically, statistically at lahat pa ng -cally, single ako kaya walang masama. May feeling pa ako sa kanya kaya walang masamang sumubok. Tulad ng dati, lalaki ako, walang mawawala. I just wantt to love and be loved in return, at alam kong maibibigay iyon ni Sofia. Makikiusap na lang ako kay Jane na tapusin ang aking kasunduan kung magkakasundo ulit kami.

"Tuloy ka, Loi." nakangiting salubong sa akin ni Sofia.

Ginabayan niya ako papasok sa apartment compound. Nasa dulong bahagi ng compound ang unit niya.

Pagkapasok ko pa lang sa bahay, naengganyo na ako. Napaka sinop. Parang masarap magkalat.

"Okay ang unit mo ah. Sobrang organized." komento ko.

Ngayon pa lang ako nakarating sa lugar niya. Dati kasi, sa isang mall kami nagkita.

"Thanks! Wala kasi ako masyadong ginagawa kaya inaayos ko palagi. Maiba ako, baka magalit abg girlfriend mo sa pagdalaw mo dito."

"Don't worry, nagpaalam ako." wika ko. Gusto ko sanang sabihin ang totoo kay Sofia. I want her back(pati front). "Pinayagan naman ako."

"What?! Pinayagan ka? Hindi siya takot na lokohin mo siya. That's weird."

"Well, sabi niya kung siya talaga ang mahal ko, babalik ako sa kanya. Kung lolokohin ko naman siya, that means na naging panakip butas ko lang daw siya. Gusto niya akong bigyan ng chance para pag aralan ang feelings ko."

Pambihira! Hanggang kailan pa ako mabubuhay sa kasinungalingan? Dati ang kasalanan ko lang ay paglo load sa cellphone ko nang hindi ko binabayaran sa tindahan, ngayon, nadagdagan pa.

"Hmmm... Anyway, handa na nga pala ang pagkain. Doon na lang tayo magkwentuhan sa dining area." Inilalayan ako ni Sofia patungo sa mesa.

Simple ang nakahandang pagkain pero maayos ang pagkaka prepare. Inasikaso niya ako bago siya umupo sa tabi ko. I like her. She's too sweet, sayang kung langgam lang abg makikinabang.

"Mukhang masarap, ah. At mabango pa!" Tumitig ako sa kanya at ngumiti.
"Loko ka! Pagkain ba ang inaamoy mo o ako?" She pinched me. "Masarap ma dyan! I'm not edible."

"Syempre itong food ang inaamoy ko! Tumingin lang ako sayo para i compliment ka." Tinapik ko siya sa balikat. "Congratulations! Nakuha mo ang gusto ng panlasa ko."

"Congratulations lang? Walang prize?" She's such a tease.

Pinuno ko ng mantika ng adobo ang mga labi ko. "Sige bigyan kita ng kiss sa cheeks."

"Loko ka talaga! Kumain na nga tayo. Hindi magandang maglaro ng food."

"Sofia?" untag ko.

"Yes?"

"Malapit lang pala bahay nyo, bakit hindi ka dumadaan sa bahay noong nawala ang phone mo?"

Gusto kong mag usisa. Matagal siyang hindi nagparamdam at ngayon alam na niyang may gf ako, saka siya sumulpot. Gusto kong alamin ang bawat detalye.

"Pauwi ako ng Puerto noong nawala ang phone ko. Nahulog yata sa phone o nadukot. Hindi ko naman memorize ang number mo kaya fi kita na inform agad."

"Ah. Paano mo nalaman na may girlfriend na ako?"

"Sa mga bulungan sa tapat ng tindahan nyo. Noong bumalik ako dito, ipinakilala mo yata sa magulang mo abg girlfriend mo." Nasagot ni Sofia ang mga pagdududa ko. Hindi ko siya dapat hinusgahan agad.

Nag uunahan kami sa pagsasalita. Marami kaming gustong ikwento sa isa't isa. Palibhasa pareho kaming loner kaya nagkakasundo kami sa madaming bagay. I'm looking forward na maging maayos kami.

"Loi, paano tayo? I mean anong set up natin?"

"Ano bang gusto mo?"

"Bakit ako ang tinatanong mo, ikaw ang may sabit? Ayoko namang may kahati!"

"Alam mo naman siguro ang dahilan kung bakit ako nandito. Kakausapin ko si Jane about this."

"So you mean... What?" Nangusap ang kanyang mga mata. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko, parang gusto nang lumabas. Paano ba ako makakatanggi sa alok niya kung ipinagsisiksikan na niya?

"Kung papayag ka, gusto kong maging tayo." Excited akong madinig ang sagot niya.

"Uhmm. Sasagutin ko yan kapag nasabi mo na sa Jane mo! Tara, balik na tayo sa sala." Kumapit siya sa braso ko at humilig sa king balikay.

"Sandali! May dumi ka sa pisngi." Inalis ko ang maliit na dahon ng lettuce sa kanyang pisngi. Hinaplos ko ang kanyang mukha.

Gusto ko siyang halikan. Inilapit ko ang aking mukha.

Pumikit siya at ipanaubaya ang kanyang labi. Ikinawit niya ang dalawang kamay sa batok ki. Nanginig ang mga tuhod ko, daig oa ang may nakabiting isang toneladang bato.

HU U? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon