Ilang beses kong kinagat ang labi ko para namnamin ang sarap ng halik ni Jane. Masarap pala talaga ang kiss; daig pa ang lasa ng paborito kong Pampanga's Best Tocino.
First kiss kaya nasabik ako. Kung dati poster lang ni Basha ang hinahalikan ko, ngayon tao na talaga.
"Jane? Bakit wala kayo sa loob?" Nagulat ako nang may biglang magsalita sa aming likuran. Palagay ko, nakita niya ang aming ginawa. Nasira ang pagmo moment ko.
Ibinaling ko ang aking pananingin sa nagsalita. Si Dexter.
"Having our quality time. I think?" Nagtaas pa ng kilay si Jane. Buti na lang, ibinaba niya iyon ulit; mukha kasi siyang karakter sa Sesame Street.
Ngayon malinaw na sa akin kung bakit humiling ng kiss si Jane. Akala ko pa naman bukal sa loob niya, parte pa rin pala ng palabas. Pero okay lang na enjoy ko naman.
"Dito sa labas?" natatawang sambit ni Dexter na tila nangungutya.
"Romantic nga dito, saka ano bang pakialam mo?"
"Bakit parang galit ka? Naipakilala ko na sa lahat ang girlfriend ko. Sayo na lang hindi, kay pinuntahan kita dito." Tumalikod si Dexter at humakbang palayo. "Take your time, pasensya na sa abala."
Hindi na ako sumingit sa usapan ng dalawa. Alam kong may plano si Jane. Alam kong parte ako ng gimik niya para ipamukha kay Dexter na naka move on na siya. Hindi ko alam kung dapat pa akong sumumod sa kanya, pero kung palagi naman niya akong hahalikan, hindi na siguro ako lugi.
Natakot ako sa paghaharap nila. Akala ko, magkakagulo pa. Mataas na kasi ang boses ng dalawa. Buti na lang kontrolado ni Dexter ang sarili, takot sigurong ma taekwondo. Halos pagpawisan ang kili kili ko sa sobrang kaba nang sa wakas ay iwan na kami ng ex niya.
Matapang na hinarap ni Jane si Dexter pero ngayon, muli siyang lumuluha. Nasasaktan. Gusot na gusot ang kanyang mukha.
"Ano pa bang kulang sa akin?" tanong niya sa akin.
"Wala, Jane. Wala"
"Bakit mabilis siyang naka move on? Tapos, napalitan agad ako."
"Jane. Hindi naman karera ni pagong at kuneho ang pagmo move on. Ano ba ang dapat? Sabay ba o mauuna dapat ang babae?"
"Hindi ko alam. Hindi naman ako pagong eh."
Hay, naku. Pilosopo.
Humikbi siya. "Siguro dapat ko a talaga siyang kalimutan." Pinahid ko ang luhang unti unting bumubura sa make up niyang ilang oras ding pinagpaguran.
Kung alam ko lang naiiyak siya dito, hindi na sana kami umattend. Nag stay na lang sana kami sa bahay at nanood ng Bala sa Bala.
"You don't need to forget him. Just accept na wala na kayo. Na hindi na siya parte ng buhay mo."
"Zoilo, dati bookworm ka, tapos salesman. Ngayon, love doctor ka na."
"Tama na ang iyak! Zoilo na tawag mo sa akin eh. Sige ka, baka mainlove ka pa sa akin."
"Yuck!"
"Uwi na tayo! Bago pa lumalim ang gabi at magnasa ka pa!" Tumayo ako at hinila ang kamay ni Jane.
Pumunta siya sa likuran ko. Inilagay ang dalawang braso sa leeg ko. "Loi, kargahin mo ako"
"Bigat mo kaya!" sumbat ko pero ngiti lang ang iginanti niya sa akin.
Lumaki ang mga mata niya at halatang nagpapa cute. Nagpakipot muna ako pero pumayag din naman akong kargahin siya bago pa lumuwa ang kanyang mata.
"Sagwa natin. Nakapormal tayo tapos ganito ang itsura natin." sabi ko.
"Hanggang bahay tayong ganito, huwag kang mag alala." Sumimangot ako.
Tumawa sj Jane. Parang naging hobby niya ang asarin ako. May pagkakataong bumibitaw pa siya sa pagkakayakap sa leeg ko kaya ramdam ko ang bigat.
"Bumaba ka na bago pa kita ihulog sa estero."
"Kapag may dumaang taxi pauwi, bababa na ako."
"Niloloko mo ba ako?"
"Hindi ah. Kapag may dumaan taxi, bababa na talaga ako!"
"One way to, eh."
"So? Maglakad ka pa hanggang hindi na on way. "
Pinagbigyan ko na lang ang gusto niya kahit pagod na ako. Kesa naman manatili kami doon sa party at nasasaktan siya. Saka pangit naman kasi ang may kasamang umiiyak lalo pa't wala naman akong kasalanan doon. At least ngayon nakangiti na si Jane.
Na realize ko, mas nakakaaliw siyang kasama mapag nagtataray siya. Pero bakit ba ako concern sa kanya ewan.Tulad ng dati, nakaupo ulit kami sa bangketa habang naghihintay ng taxi. Kahit pinagtitinginan kami ng mga tao, hindi na namin pinapansin.
Dumampot ako ng bato at gumuhit ng kung ano ano sa kalsada para maalis ang pagka inip. Kumuha din ng bato si Jane, naiinggit siguro. Ayaw talagng padaig; kahit mukhang baboy ang drawing niyang pusa, nakipagtalo na mas magaling siyang mag drawing.
Kinuskos ni Jane ang magkabilang palad para maibsan ang lamig na nararamdaman. Hinubad ko ang aking coat t ibinalabal sa mga balikat niya. Ngumiti siya matapos kong gawin iyon.
Sa taxi, hindi ko na masyadong kinausap si Jane dahil ramdam ko ang pagod niya. Nakatulog na siya sa aking balikat.
May ilang beses kong sinulyapan siya. Hinawi ko ang hibla ng buhok na humaharang sa kanyang mukha. Ilang buwan na din pala kaming magkasama, ngayon ko lang napansin na maamo ang kanyang mukha. Sana lagi na lang siyang tulog.
"Jane, bukas huwag ka munang pumunta sa bahay," bilin ko matapos naming bumaba ng taxi. "Makikita kasi kami ni Sofia."
"Wow! Good luck, lover boy. So paano, dito na lang ako. Ingat pauwi."
"Sige" Hinintay ko siyang makapasok ng gate. Tumalikod ako matapos mamaalam.
"Loi!"
"Bakit?" Lumakad ako palapit kay Jane.
"Salamat. Sige, alis ka na."
"Ah, wala iyon. Good night."
"Loi!"
"Bakit na naman!"
Hinalikan ako ni Jane sa pisngi at saka pumasok sa bahay.
Hindi agad ako nakagalaw. Nanginig ang mga tuhod ko. Tumingin ako sa paligid kung nandoon si Dexter. Wala naman. Alam kong halik ng pasasalamat lang iyon, pero may kakaibang pakiramdam na naidulot iyon sa akin.
Deretso agad ako ng kwarto pagkauwi. Hindi ko na pinansin ang mg magulang kong gusto pang maki chika.
Napangiti ako sa tuwing naalala ko ang buong gabi. Hindi ko maintindihan. Madaming gumugulo sa aking isip.
Makatulog na nga, excited na ako sa pagkikita namin ni Sofia. Sa wakas, lovelife ko naman ang mabibigyan ko ng kulay. Pero hanggang pagtuloh ko, hawak ko pa ang labi at pisngi ko.
BINABASA MO ANG
HU U?
Teen FictionWalang makakapigil kung puso mo na talaga ang nagdikta. Walang sa yaman o hirap ang pagmamahal nasa sa atin na din kung paano natin ito panghahawakan.