Chapter 1

3.4K 95 2
                                        



SA idad na walo nang matutong magtanim ng mga ibat-ibang klaseng bulaklak si Rosa, pero ang pinaka gusto niyang itanim ay ang mga rosas na iba-ibang kulay.

Hindi dahil pangalan niya ito kundi, kaygaan ng kamay pag ang rosas na ang kanyang itinatanim. At kaydaling yumabong.

Maaga siyang na ulila ng ina, sanggol palamang ng iniwan siya nito. Lumaki sa  pangangalaga nang kanyang tiyahin si Rosa .

Ang munting lupain na iniwan ng ina sa kanya ito'y ginawa niyang taniman ng mga rosas. At iba pang uri ng bulaklak na mabilis umusbong. Ang tawag ng mga tao sa kanila sa munting hardin niya ay paraiso ni Rosa.

Hangang siya'y nag dalaga, lalong dumadami ang mga tanim niyang mga rosas.

Dahil marami na siyang tanim na rosas, ito'y kanyang ibinibenta para na rin  sa araw-araw na pangangailangan nilang mag tiya.

Kinukuha naman ito sa kanya nang mga tindera upang ibebenta sa bayan.

"Bubuka ang bulaklak papasok ang reyna sasayaw nang cha-cha ang saya-saya boom tiyaya boom tiyaya boom yeye,"pa kanta-kanta si Rosa habang nag didilig ng mga bulaklak.

"Kaya pala namumukadkad tangi ang iyon tanim Rosa, dahil sa kinakantahan mo sila."

Nakangiting lumingon ang dalaga sa nag salita."Yan ang secret ko Manang Sefa, napadaan ka po?"

"Oh, talaga bakit ako sinasayawan ko pa nga eh pero iba pa rin ang sa iyo, siya nga pala may ibibigay lamang ako ito Rosa.  Kaya ako napadaan dito,"sabay abot sa isang envelop na hawak.

Nagtaka si Rosa, dahil wala naman siyang inaasahan na magbibigay sa kanya na kahit anong bagay."Ano po ito Manang Sefa?"ng abutin niya.

"Hindi ko alam Rosa, may nag papabigay, eh."

"Kilala mo ba siya, Manang Sefa?"

"Hindi Rosa.  Tatanungin ko sana kung sino siya, aba'y dali-dali ng sumakay sa banka at umalis na."

"Ganu'n po ba salamat, Manang Sefa."

"Walang anuman Rosa, sige maiwan na kita, ha."

"Sige po salamat ulit Manang Sefa,"Tumango naman ito.

Papasok na si Rosa sa bahay para tignan kung ano ang laman ng envelop, nang may tumawag ulit sa kanya.

"Rosa, sandali lang!"Kaagad niyang napalingon ito.

"Manang Berta, bakit po?"

"Rosa, magsasabi sana ako sa'yo ng kunting pabor."

"Sige po basta ba kaya ko, Manang Berta."

"Puwede ba na sa akin mo na lang ibigay ang mga rosas na aanihin mo sa makalawa?"

"Naku po Manang Berta, may nakakuha na po si Manang Esther, sa susunod ka na lamang puwede po ba?"

"Sige-sige Rosa, maasahan ko iyan, ha."

"Opo Manang, pero sandali diba kina Aira, ka kumukuha ng mga rosas?"

"Oo, kaya lang mas mabenta ang mga rosas mo Rosa, kasi mayayabong na mapupula pa ang mga ito at kay ganda pa, nagmana sa nag-aalaga."

Napangiti si Rosa."Salamat po pero pareho-pareho lang kami Manang Berta."

"Nasabi ko na, Rosa. Ewan ba namin kaming mga nagtitinda basta sa iyo galing ang mga rosas  mabilis maubos, parang may magic."

Ngiting kimi na lamang ang tugon ni Rosa sa ginang.

"Sige na maiwan na kita Rosa. Ako ay  titingin pa kung may makuha akong ibang rosas."

"Sige po,"aniya.

ROSA ni: Ginalyn A.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon