Chapter 7

2.2K 56 2
                                        



SA GABING iyon para kay Rosa ito na ang pinakamagandang nangyari sa kanya. Hatinggabi na silang nakauwi.

Pagdating nila sa bahay ng dalaga hindi muna pumasok sa loob Rosa.

Naupo si Samuel sa lamesa nasa harapan si Rosa habang yakap niya ito palikod sa kanya.

"Pakiramdam ko nasa isang paraiso ako kasama ko ang akin, Eba."

"Bakit mo naman nasabi 'yan?" tanong niya.

"Kasi napapalibutan tayo ng mga alaga mong bulaklak they're so beautiful same like you, Rosa."

Napangiti si Rosa."Lagi mo na lang akong pinupuri, ah. Pakiramdam ko tuloy ang ganda-ganda ko!"

"Well, napaganda mo naman talaga. And thank you Rosa, sa pag patuloy mo sa akin sa iyon puso."

"Una palang naman kitang nakita nasa loob ka na ng puso ko."

"Wow, pinasaya mo ako Rosa! Ako rin ng iniabot mo sa akin ang rosas mo that day my heart and my mind ikaw na ang laman nito."

"Ang tamis mo talagang mag salita Mr. Jackson, kahit sinong babae matatangay, eh."

"Well, sa lahat ng natangay nito ikaw lang ang hinawakan ko dahil gusto kung manatili ka sa puso ko."

"Hmmm, iba ka talaga."

"Oo. Talagang nag-iba ako ng makita ka at lalo na ngayon holding you in my arms now really masasabi ko na I am the man who love adventures. Samuel Johnson, na tagpuan mo na ang babaeng gusto mong makasama habang-buhay, ikaw ito Rosa, I love you."

Nararamdaman ni Rosa na totoo ang sinasabi nito napakasaya niya tama nga ang kanyang tiya masarap ang may minamahal at minamahal ka rin.

"Talaga?" nasabi pa rin niya.

"Yes, Sa ngalang ng mga bituin sa langit. Hmmm, my moon ba?" tumingala siya hinahanap kung meron nga."Oh they you are," nagtago lang pala ito tila ba sinisilip sila.

"Oh, anong meron sa buwan?"

"Siyempre, para pati siya susumpa ako na ikaw lang ang babaeng iibigin ko!"

Hindi namalayan ni Rosa ang pagtulo ng luha siyempre masaya siya sa naririnin mula sa lalaki napasinghot tuloy siya.

Kunot ang noong napatanong si Samuel."Rosa, bakit ka umiiyak?"

"Hindi ah, masaya lang ako, kasi mahal mo ako."

"Hmmm. So, ikaw ba ay mahal mo rin ako?"

Tumango siya."Ayaw ko ng tango na sagot gusto kung marinig mula sa matamis mong labi na mahal mo ako, Rosa!" Iniharap niya ang dalaga sa kanya hinawakan ang magkabilaan pisngi nito."Tell me please," parang anas na wika niya.

Ngumiti muna si Rosa yumakap siya rito  isinubsob ang mukha sa matipunong dibdib ng binata. Pinag-sawa muna ang ilong sa pang-amoy  gustong-gusto kasi niya ang pabango nito.

Nakangiting ginantihan ng yakap ni Samuel ang dalaga. Hinalik-halikan pa ang buhok nito.

Ngayon lang naramdaman ni Samuel ang ganitong pakiramdam marami nang babaeng nagdaan sa kanyang buhay pero ngayon lang niya nadama kung ano ang meron siya sa piling ni Rosa. Magaan ang kanyang pakiramdam. At napaka comfortable niya sa yakap nito. Kung ibang babae na tangin nais lang niya ay maikama sila."Hmmm, nasaan na ang sinasabi ko sa iyo, Rosa?"

Kumalas sa pag kayakap si Rosa sa binata. Tinignan niya ito sa mata. Hindi napigilan ang sarili  hinahaplos  ang pisngi  ni Samuel.

Napapikit naman si Samuel ngayon alam na niya ang kahulugang ng salitang pagmamahal. Now he really love this woman make him complete.

ROSA ni: Ginalyn A.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon