HUMAKBANG NA SI ROSA, upang salubongin si Samuel na akala niya ay ito.Napahinto siya ng makita kung sino ang tumawag sa kanyang pangalan.
"Luis, ikaw pala?"
"Ako nga bakit may inasahan ka bang iba ha, Rosa?"
"Si Samuel," kaaagad na saad niya.
"Si Samuel, Rosa? Mamumuti na iyan mata mo sa kakahintay sa kanya di na iyun pupunta rito."
"Huh? Bakit, Luis?"
"Hindi mo ba alam? Di ba kayo ang laging mag kasama, dahil nga sa kanya nakalimutan mo na ako eh," may tampo sa tinig nito.
Hindi nakapag salita si Rosa, totoo naman kasi ang tinuran nito kay Samuel na umiikot ang kanyang oras mula ng naging sila.
"Oh, natahimik ka kasi totoo."
"Sorry, Luis, eh. Tinamaan lang kasi 'tong puso ko, sandali anong mamumuti ang mata ko sa paghihintay sa kanya?"
"Kasi po miss Rosa, umalis na siya kanina pa may kasama na dalawa."
"U...umalis na?!" naging garalgal ang tinig ni Rosa.
"Oo, wala ba siyang sinabi sa iyo ang lalaking iyun ha, Rosa?"
Umiling si Rosa. At di niya napigilan ang pagtulo ng luha.
"Luis, sabihin mo binibiro mo lang ako di ba?"
"Hindi no, halika tara kina kapitan at ng maniwala ka sa sinabi ko, kasi kanina nakita ko silang umalis may kasama na isang magandang babae maputi ito. At iyun dati niyang kasama, baka nga nag pumunta lang sila ng bayan. At bumalik na."
Bugso ng damdamin pumayag si Rosa na pumunta sila kina Kapitan para malaman ang totoo.
Tamang nag papahangin sa labas ng bahay si Kapitan.
"Kapitan, magandang gabi," si Luis.
"Oh, Luis, Rosa, may maipag lilingkod ba ako sa inyo?"
"Eh kapitan, magtatanong lang sana kami ni, Rosa."
"Ano ba iyun ha?"
"Rosa, ikaw na ang mag sabi kay kapitan."
Napatingin si Kapitan kay Rosa alam na niya ang nais nitong malaman.
"Si Samuel, ba Rosa?"
"Opo kapitan," sabay tango niya.
"Rosa, umalis na si Samuel kaninang hapon kasama ang kaibigan at isang babae."
"Saan po sila nagpunta kapitan?"
"Umuwi na sila ng America, Rosa."
Hindi na naman napigilan ni Rosa ang pagtulo ng luha niya.
"Kasi ang sabi ni Carlito, sa akin yun kaibigan ni Samuel, na ang a..."hindi na tapos ni kapitan ang sasabihin tumakbo na si Rosa hilam ng luha ang kanyang mukha.
Nagkatingin sina Luis at kapitan.
"Kapitan, maiwan na kita suusndan ko siya."
"Sige, Luis. Kausapin mo siya kailangan niya ng karamay ngayon."
Agad na hinabol ni Luis ang dalaga."Rosa, sandali lang hintayin mo ako!"
Tuloy-tuloy si Rosa ang ang sakit na nadarama ngayon mas matindi pakiramdam niya nadurog-durog ang kanyang puso.
Nang nakarating sa kanilang bakuran dito na ibinuhos niya Rosa ang damdamin nasaktan.
"Ahhhhhhh!" Sigaw niya at humahulhol.
BINABASA MO ANG
ROSA ni: Ginalyn A.
RomanceSI ROSA, Nakatira sa isla Puting Buhangin. Simpleng dalaga at tahimik na namumuhay dito. Taglay niya ang mapagpalang kamay tulad ng kanyang ina na mahilig sa pagtatanim ng mga rosas kung saan ay nakuha ang kanyang dinadalang pangalan. Iwas siya sa m...