NABIGLA si Rosa sa pagsubo ng binata sa daliri. Dagling hinila ang kamay pero mahigpit ang pagkahawak nito.
Damang-dama ni Rosa ang init ng labi ng binata. At tila may mga langgam na dumadaan sa kanyang ugat hatid nito ay libong kiliti sa kanyang puso.
Napatitig siya sa binata lalo na sa labi nitong may subong daliri niya iba tuloy ang takbo ng kanyang isip naging naughty ito."Ano kaya ang pakiramdam kung sa labi ko nakalapat ang labi niya? Ahhh ano ba itong na iisip ko!"
Si Samuel naman tila ayaw na niyang pakawalan pa ang kamay ng dalaga.
"O-okay na,"sabay hila ni Rosa sa kamay kasi naman iba na ang dulot nito sa katawan.
"Next time be careful okay."
"Ikaw nga tong may kasalanan, eh. Hindi sana ako natinik kung hindi ka nag salita bigla!"panisi niya.
"I know I'm sorry."
"Puro ka sorry, anong magagawa ng sorry mo kung nasaktan na ako!"
"Okay next time hindi na ako mag sasalita I just hug you na lang puwede ba 'yun?"
"Ha? Hindi ah, bakit mo naman ako yayakapin? At teka bakit hindi mo dinura yun dugo sa daliri ko?"
"Bakit ko pa idudura hindi naman marumi?"
"Dapat lang kasi hindi mo dugo, bampira ka ba?"
Napatawa si Samuel sa kanyang sinabi.
"Anong nakakatawa?"
"Vampire, do you believe na meron?"
"Oo, ikaw kasi nilunok mo ang dugo ko."
Ngumiti ito."You're so cute you know."
"Dati ng alam ko na cute ako no."
"I see, you wanna know bakit nilunok ang dugo mo?"
"Ba-bakit nga?"
"Dahil mahalaga ka sa akin, ang gusto ko nga everything that you have in your body I will take it."
"Parang aswang lang ah, kakainin mo ako?"
"Mamahalin kita!"
Nagulat si Rosa sa narinig niya napalakad siya palayo sa binata.
"Rosa, wait," pigil nito sabay hawak sa braso ng dalaga.
Nanigas ang katawan ni Rosa nang mahawakan siya nito. Ngayon lang niy naramdaman na naging ganito siya. Pero kailangan niyang pigilan kung ano man ito.
"Ano ba bitawan mo ako!" kanyang angil.
"Totoo ang sinabi ko believe me."
"Ang bilis mo naman magmahal ilang araw palang tayong nagkita, hindi pa nga nating kilala ang isat-isa mahal na agad ang pinag sasasabi mo."
Hinawakan ni Samuel ang dalawang braso nito at pinaharap ang dalaga sa kanya.
"Look at me."
Hindi naman napigilan ni Rosa ang sarili agad na tumingin sa lalaki.
"I am Samuel Johnson, thirty years old fil-am and a businessman , how about you beautiful lady?"
Napatitig naman si Rosa sa binata. Dahil sa taglay nitong karisma kahit sino mapapatulala talaga.
"Hey, what wrong?"
"Ha?" sambit lang niya.
Napangiti si Samuel sa reaction niya."Okay no need to tell who you are, ang mahalaga sa akin alam ko ang palangan mo at ikaw."
BINABASA MO ANG
ROSA ni: Ginalyn A.
RomanceSI ROSA, Nakatira sa isla Puting Buhangin. Simpleng dalaga at tahimik na namumuhay dito. Taglay niya ang mapagpalang kamay tulad ng kanyang ina na mahilig sa pagtatanim ng mga rosas kung saan ay nakuha ang kanyang dinadalang pangalan. Iwas siya sa m...