Chapter 10

2.3K 61 9
                                    

"ATTORNEY DIMASALANG," unang basa ni Rosa.

"Huh? 'di ko naman siya kilala, ah," takang-taka si Rosa. Muli niyang binasa ang laman ng envelop.

Hi I am Attorney Ignacio Dimasalang, your father's lawyer pasensiya ka na Rosa, at ngayon lang ako nagparamdam sa iyo. I been in Canada for my operations at namalagi doon ng mga taon. When your father died hindi rin ako nakauwi because I am still weak but now narito na ako sa Pilipinas. Para ayusin ang naiwan ng ama mo sa iyo I want you to come over here in Manila, ako sana ang tutungo riyan kaso matanda na ako at mahina na, sana you understand me Rosa, I hope I will see you soon kung nakapagdisisyon ka na tawagang mo lang ako para masundo kita.

Attorney Dimasalang.

"Ama ko? My ama pa ba ako? Para sa akin wala na," pero hindi napigilan ni Rosa ang pagpatak ng luha. At meron din sa puso na gustong malaman kung sino ba ang kanyang ama o ang pagkatao.

"Rosa, heto kape mo dinalhan na kita pang painit ng sikmura mo dahil na ulanan ka." Pumasok ito sa loob nilapag ang tasa sa lamesita.  At napatingin sa binabasa ng pamangkin."Ano iyan Rosa? At kanino galing?"

"Salamat, tiya." Binigay ni Rosa sa tiya ang hawak na papel.

"Tiya, sabihin mo nga ang totoo sa akin, sino ba ang ama ko? Talaga bang pinabayaan niya kami o si inay?"

Naupo ang ginang sa tabi ni Rosa nagpakawala muna ito ng malalim na buntong-hininga.

"Tiya..." untag ni Rosa.

"Si Edgardo Natividad, ang iyong ama Rosa, taga Maynila siya na napadpad rito sa Isla. Totoong minahal niya ang iyon ina nakikita ko ito sa kanya gaya rin siya ni Samuel."

"Magkaiba sila, Tiya."

"Oo magkaiba nga sila pero totoong pagmamahal ang binigay nila sa inyo, ang ama mo ang sinabi niya sa Inay mo ang lahat na may asawa na siya sa Manila. Pero wala pang anak siyempre ang ina mo mahal na mahal ang ama mo sinunod niya ang utos ng kanyang puso, binigay lahat pati kaluluwa kaso hindi nagtagal nagpaalam na si Edgardo, kasi nalaman niyang buntis na daw ang asawa. Nilisan na niya ang isla gaya mo noon una nagmukmok si Pamela, isang buwan mahigit ng malaman buntis siya hayun pinagpatuloy na ang kanyang buhay para sa iyo."

"Paano nalaman ni i...Itay na meron siyang anak kay Inay, Tiya?"

"Nagpunta ulit siya rito sa mahal niya ang inay mo pero para magpaalam dahil nalaman ng asawa ang tungol sa kanila, para walang gulo nagtungo sila sa America, doon na nanirahan. At ama mo lihim na nag papadala ng pera sa Inay mo para sa iyong pag-aaral, Rosa."

"Ho? Nasaan ang mga perang ito my scholarship naman ako, ah?"

"Nasa bangko ito Rosa, malaking halaga sandali at kunin ko ang bank book pinatago sa akin ng Inay mo."

Nang bumalik ito binigay kay Rosa ang bank book."Tignan mo lagi ko iyan pinapatignan sa bangko, kahit hindi na kasi nahuhulungan nadadadagang ito."

Binuklat ni Rosa ito."Tiya, ganito ba kalaki halaga ang laman nito?"

"Oo, Rosa." Nasa millyones na kasi ang laman nito." Hindi ko naman kasi pinakialaman iyan Rosa, dahil alam ko na balang araw malalaman mo ito. At para sa iyo ang perang iyan."

Napatitig si Rosa sa bank book para kasing hindi siya makapaniwala na meron siyang pera instant milyonarya siya kaagad.

"Ano ngayon ang plano mo, Rosa? Pupunta ka ba ng Manila. Para makipagkita kay Attorney Dimasalang?"

"Hindi ko alam Tiya, para saan pa?" Kinuha ang papel tinupi para itago.

"Bakit 'di mo gawin para lalo mong makilala ang ama mo napakabait niya Rosa, sa kanya ka nagmana pati sa itsura kaya kay ganda mo."

ROSA ni: Ginalyn A.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon