NAG PAALAM si Samuel sa kaibigan niya na may pupuntahan siya."Where are you going, dude?"
"Just around here, dude."
"Can I came with you?"
"Sure dude, tara na."
Alam ni Samuel kung saan siya dadalhin ng kanyang paa sa bahay ng dalagang hindi nag patulog sa kanya kagabi.
"Dude, what are we doing here?"
"Sumunod ka lang sa akin, dude," tuloy-tuloy siyang pumasok sa bakuran.
Nakasunod naman ang kaibigan.
Marami ng napitas na rosas si Rosa kaya inaayos na lamang ito. Tulo ang kanyang pawis basa na rin ang damit.
Nakatalikod siya kaya hindi niya nakita ang dalawang binata na papalapit sa kanya.
Napatingin ang papakyaw sa mga rosas ni Rosa dahil abala ang dalaga hindi niya napansin na sumenyas si Samuel na huwag maingay ito.
Pagkalapit nila."Hi can I help you?" biglang wika ni Samuel nagulat naman si Rosa at napasigaw.
"Ayyy! Kabayo!" Tili niya.
Nagulat man siya pero teka parang na excited siya dahil nabosesan niya kung sino ang nag salita.
(Siya na naman, anong ginagawa niya rito?)
(Dalawin ka ano pa nga ba)tugon ng kanyang isip.
(Dalawin? Ang sabihin mo baka mang-asar)
(Harapin mo para malaman mo kung ano ang kanyang pakay sa iyo)
(Fine)
Bigla siyang humarap sa binata at nagtaray."Alam mo ikaw lagi mo na lang akong ginugulat mabuti na lang at wala akong sakit sa puso O kaya buntis ako kundi napaanak na ako ng wala sa oras!" pagtatalak niya.
Napalabas naman ang tiyahin niya dahil narinig nito ang kanyang boses.
"I'm sorry I did not know na magugulatin ka pala."
( Sorihin mo ang mukha mo)Ngayon alam mo na, teka ano na naman ba ang ginagawa mo rito, ha?"
"Siyempre para makita ka," deretsong tugon niya.
Natameme tuloy si Rosa tumalikod agad siya sa binata.
Siniko naman ng kaibigan si Samuel."Dude tiklop siya sa iyo," bulong pa nito.
Napuna niya na pawisan ang dalaga."Punasan mo nga 'yan pawis mo masama pagnatuyo," Lumapit siya rito.
Naramdaman ni Rosa ang paglapit ni binata nataranta siya agad pinunasan ang pawis baka kasi ito ang mag punas eh mahimatay pa siya.
Napangiti naman ang tiya ni Rosa ngayon alam niya kung bakit ito tinanghali ng gising."Ang guwapo kasi," nasa tinig nito na siya lamang ang nakakarinig.
Binilisan ni Rosa ang ginagawa kahit na nagkanda tusok-tusok siya sa tinik ng rose okay lang basta matapos na siya at makalayo sa binata.
"Langhiya naman oh ang guwapo pala ng lokong 'to," sa isip niya.
Kagabi kasi hindi niya masyadong napagmasdan ng maigig ang mukha nito.
"Hey, be careful baka matinik ka!" nag-alala si Samuel dahil nakikita niya ang ginawa nito.
"Walang kang paki no!" mataray na sagot niya.
"Galit ka ba sa akin? Ano bang nagawa kung kasalanan sa iyo tell me hihingi ako ng tawad?"
BINABASA MO ANG
ROSA ni: Ginalyn A.
عاطفيةSI ROSA, Nakatira sa isla Puting Buhangin. Simpleng dalaga at tahimik na namumuhay dito. Taglay niya ang mapagpalang kamay tulad ng kanyang ina na mahilig sa pagtatanim ng mga rosas kung saan ay nakuha ang kanyang dinadalang pangalan. Iwas siya sa m...