Nang nakuha ko ang atensyon ni Candace ay nag-usap kami tungkol kay Yeng Constantino at biglang pumunta ang topic sa akin.
"Ang ganda ni Yeng no! Lalo na yung kanta niya na T.A.N.G.A!"
Aniya Candace."Parang ako."
Ani ko."Kylie! What the hell are you talking about!?"
"Diba paasa ako? Lahat ng lalaking nagmamahal sakin pinapaasa ko lang."
Ani ko."Hindi mo lang kasi alam kung paano umibig."
"Think so. Pero Candace, I need love! Pero hindi ko siya makuha-kuha!"
"Nandyan na sa'yo ang love, Kylie. Dimo lang maramdaman ang umibig sa isang tao."
Dugtong pa niya."Well, ikaw? Natuto kana bang mahulog sa isang tao?"
Tanong ko."Tignan natin. Sa ngayon hindi pa."
Sagot niya.Habang busy kami sa kung ano-ano, ay may biglang bumukas ng pintuan ng sasakyan at sumakay sa loob ng sasakyan.
"Miss, excuse." Sabi nung lalaki habang ibinibigay niya ang mga maskarang isusuot namin kay Klare. His voice is husky, angelic and familiar. Naka black suit ang lalaki na may blue tie na suot. Hindi ko makita ang kanyang mukha dahil sa maskarang nakasuot sa kanyang mukha. His jaws were perfect. Matangos rin ang ilong niya.
"Ma'am, pwede na po kayong bumaba." Ang sabi ni manong driver sa amin.
"Girls!" Ang pagsalubong sa amin ni Samantha at may kasama siyang lalaki.
"Sam, is this your boyfriend?"
Tanong ni Tricia."No! This is Blaser. Cousin ko siya sa father's side. Siya ang magiging kapartner mo sa sayaw, Kylie."sabi niya.
"What? What dance!? S-sinabi mo ba yan?" Tanong ko.
"No. Sorry. It was a surprise! Ginawa kong surprise ito sa lahat ng guest ko na gusto kong maging ka-team sa Royal Ball."ang sabi niya.
Bumilis ang tibok ng puso ko at lalo na hindi pa naman ako nakapagpractice. Dammit! Ito na ata ang pinakaworst day ng buong buhay ko! Holy hell!
"But! But S-sam! Hindi pa naman ako marunong sumayaw! At sa isang Royal Ball pa!" Sigaw ko.
"Calm down! May trainor tayo ngayon! Si Mr. Paul ang magtuturo sa inyo ngayong gabi."
Aniya Sam."Sam, asan na yung mga iba mong kasamang sasayaw sa Royal Ball?" Tanong ni Mr. Paul kay Samatha.
"Ito sila! Si Kylie at Blaser. Sila yung magpartner sa sayaw." Ani Sam.
"Sam! Hindi nga ako marunong sumayaw! Please!" Sigaw ko.
"Okay lang yan ano ka ba! I know you Kylie! Kaya mo yan. Promise magiging masaya 'to!" Ani Sam.
"Fine." Sagot ko.
Oh My Gosh! I don't know what to do! Kinakabahan na ako sa sobrang takot ko kung magiging masaya ba ang event o hindi. Maybe lang.
Pero ang gwapo nung kasama ko!😍 Si Blaser! Hindi ko alam buong pangalan niya pero para talagang familiar yung voice niya. May bestfriend kasi akong lalaki noong elementary pa ako pangalan niya Bal. Pinangalan ko sa kanya yun dahil sa initials niya. Hindi kona naaalala pa ang iba. Iyon lang.
BINABASA MO ANG
May Pag-asa Pa ba?(Book 1 of Walang Forever)-On Going
RomanceSa ngayon, chill lang muna. Pero may pag-asa pa bang magiging kayo?