I'm In

97 3 0
                                    

"Are you ready?" Ang tanong sa akin ni Blase habang inaayos niya ang kanyang tie.

"I'm in." Ang sagot ko sa kanya.

"Alright! Now this time, it's time for the Royal Ball. And now, it's time to dance! Here are the Royal Preps!" Ang pagtawag sa amin ng host habang pumapalakpak at sumisigaw  ang mga tao.

Sa kalagitnaan ng pangyayari, napansin ko si kuya Sky, Sam's big brother, na parang nagaalala o di kaya natatakot. Bigla akong nagtaka kung ano ang nangyayari. Pinuntahan niya si Samatha mula sa trone, kinausap siya at umalis kaagad. Iniwan nila ang debut at guest at kami ang naging hosts.

Habang nagsasalita ako, ay biglang tumawag si kuya Sky sa akin.

"Cha, si daddy. Hindi na niya kinaya dito sa hospital. Ginawa na lahat ng doktor pero, sumuko na siya. Cha, patay na si daddy." Sabi ni kuya Sky sa akin. Napaluha ako habang kinakausap so siya at napansin agad ako ni Tricia.

"Beh, anong nangyari? Why are you crying?" Tanong niya.

"Tricia, patay na daw si tito Romel sabi sa akin ni kuya Sky." Sabi ko habang umiiyak.

"What the hell?! Bakit namatay si tito? Oh my God! Paano natin ito sasabihin kay Sianney?"

"Ah-i don't know."

Pinuntahan ako ni Blase para tanungin kung ano ang nangyayari sa akin kung bakit ako umiiyak.

"Kylie, are you okay?" tanong niya.

"Tito Romel, passed away. Hindi niya daw kinaya sa Hospital." Napaluha ako.

"Paano?"

"He got a Heart Attack. Maghuhugas sana siya sa banyo pero, bigla siyang nanginig sabi ni Manong Joseph kay kuya Nell."
sabi ko habang nagpupunas ng luhang tumutulo galing sa 'king mata.

"It's okay, Kylie. Condolence sa tito mo. I know na magaling siyang arkitekto and I'm happy for that." aniya.

"Thank you, Blase."

Habang kami ay kumakain, nakita ko na lang na tumutulo ang luha ni Mommy Amanda habang tinatanong ni Sianney kung bakit siya umiiyak.

Pano kaya ito malalaman ni Sianney? Siya pa ang paboritong anak ni Tito Ronell. I can't imagine na wala na si tito. Kahapon lang ay kakulitan ko siya na maglaro ng Billiards.

Ilang saglit ay nawala si tita Suzie at si Sianney. Hindi ko na inisip pa iyon.

Natapos na ang party at umuwi na kami. Hinatid kami ng kanilang limo pauwi.

Nang kami ay nakauwi na, kami ay nagpalit na ng damit at natulog na.

May Pag-asa Pa ba?(Book 1 of Walang Forever)-On GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon