Chapter Eleven

52.6K 900 4
                                    

Huminto sya bigla sa ginagawa nya.


"Wait. I'm sorry I-I respect you okey and I dont want to look like I'm taking advantage to you" umopo sya mula sa pagkakapatong sa akin.


Umopo din ako. Grabe nakakahiya!



"Go to sleep Ceb..Goodnight." tumayo sya at hinalikan ang noo ko.



"Okey. Goodnight" humiga na ako at lumabas na sya...




Grabe talaga!! Bahala na nga!


Pano kaya kung hindi kami nagkahiwalay noon kami pa kaya?




Kung hindi ko sya nakitang may kahalikan siguro kami pa hanggang ngayon ang masakit pa sa nangyari eh! Bestfriend ko pa ang kahalikan nya!




Kaya ayaw kung makipag kaibigan sa kahit sino eh?




Pero matagal na yun! kinalimutan ko na.




Mabuti pang matulog nalang ako may trabaho pa naman ako bukas!!








~~~~~~



Kriiiinnngggg!







Hhmm.. Nakakaantok! Late na kaya ako natulog kagabi, sa kakaisip sa nangyari! Tsk! Makabangon na nga!






Hinanda ko muna ang susuotin ko saka naligo..


~~



Pagkatapos kong magbihis bumaba ako para mag luto sana. pa feel at home ang peg!



"goodmorning po ma'am." bati sakin ni manang.




"goodmorning din po manang."




"Maaga ho yata kayu ala singko palang po ah?" tanong nya.





"Nasanay na kasi ako manang ganitong oras talaga ako gumigising." nasanay daw eh nagpapa alarm ka pa nga eh!





" ahh ganun po ba? Gusto nyo ng kape?"





" manang naman wag nyo na po akong e 'PO' Crisia nalang po tsaka sige po kape nga."




"hahaha cge Crisia."
Nagtimpla ng kape si manang at binigay sa akin.



"salamat po.." uminom na ako wow sarap ha.




"May nanunuod..."




"Po?.." tumingin naman ako sa likod ko.




Bigla kong iniwas ang tingin ko, nakakahiya talaga yung nangyari kagabi...




"Manang ang sarap po ng kape ha.." palusot ko para di ko sya makausap.





Nakasandal lang naman sya tapos naka cross arm pa, nakatingin sakin, ang hot nya sa messy hair nya, at naka sleev less lang sya tapos pajama
Parang gusto ko syang...

Ayyy... Teka nga!!?

"Salamat hija.. Sige mauna na ako." huhuhu manang wag kang umalis



"S-sige manang." utal kong sagot.


Nanginginig ako.. Manang naman kasi bat nang ewan.!


"Goodmorning.." sabi nya . At umopu sa upuan sa harap ko.

"g-goodmorning din..." ano bayan nakakatunaw naman ang mga titig nya.



"About last nigh--"

"Gusto mong kape..?" Agad kong tanong, bat ba nya e no-open ang topic na yon nakakahiya kaya.




Tumawa naman sya ng bahagya "Sige.."


Tumayo ako para mag timpla ng kape pagkatapos binigay ko na sa kanya..




"thanks.." tumango lang ako at bumalik na sa kinauupoan ko.


"about last nigh---"




"hep! Hep! Hep! Hep!... Tumigil ka ayaw kong pag usapan yan..." banta ko sa kanya..





"HAHAHAHA!" natulala ako bigla, ngayon ko lang sya narinig na tumawa ulit sya ng ganito.


"Bakit..?" natatawa nya paring sabi.


Napangiti nalang ako..



"How I miss seeing you smiling because of me..." sabi nya




Haba ng hair ng lola nyo oh!



"Ceb..." namimiss ko talagang tawagin nya ako sa pangalan na yan.



"Hmmm..." uminom ako ng kape para mabawasan ang kaba ko.

"I'm sorry..."




"Saan kagabi?... Kalimutan mo na yun.."





"Hindi... Sa lahat ng ginawa ko sayo ...." ito na naman kami sa usapan nato..



"huh? May ginawa kaba ? Wala naman ah.." pag mamaang maangan ko.

"Meron at marami... But if you let me explain that day and you didn't run away sana.. Sana hindi tayo umabot sa ganito... Sana hindi tayo nagkahiwalay at Sana hindi ka nagalit sa akin dahil sa katarantaduhan ko...." god! Bat Nya sinasabi ito at bat sya umiiyak..



Wag kang umiyak please.. Nasasaktan ako!



"Ceb.... Just give me One more chance please... I will do anything just to win you back..."


Tumayo sya at lumapit sa akin...












CBD Company √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon