DJP #3

65 2 0
                                    

Lunch time...

Sabay kaming kumain tatlo nina Jade at Daniel/Sky. At dahil walang baon na pagkain si Daniel bumili muna sya sa canteen at bumalik kami sa room para doon kumain. So eto na yung pagkakataon para ituloy ko na yung pagtatanong ko kanina.

"Ahm Daniel"

"Ako ba?"

Takang tanong ni Sky Daniel.

"Yeah ikaw. I like you este ano. I like to call you Daniel. Hehe"

"Humohokage ka ah"

Bulong naman ni Jade. Inirapan ko nalang sya at tinuon ang pansin ko kay Daniel. Etchapwera muna sya this time. Hahaha. Ang hard!

"Sang network ka? Gma 7 or Abs Cbn?"

Nagtataka man pero sumagot pa din sya.

"More on A B S kami e. Kasi dun malimit manuod sina mama. Magaganda pa yung movie at teleserye"

"Good. May favorite kabang artista dun? Crush na actress? Favorite singer? Dancer?"

Curiousity Kills! Haha

"Ahm. This generation meron favorite actress ko is Kathryn"

Muntik na naman akong mapatalon sa pagkakaupo ko at tiningnan ng nakangisi si Jade. She mouthed 'whatever' hahaha. Asar e! Ayaw kasi ni Daniel kay Nadine! XD kasi si Kath ang gusto.

"Woah? Nice choice . Me too. Favorite ko sya"

"Ahh. Eh ikaw Jade?"

Tanong naman niya kay Jade na tahimik na kumakain sa tabi ko.

"Ako? Syempre Nadine ako hehe"

"Eh yung ka'loveteam ni Kath? Favorite mo din? Si daniel padilla?"

"Ah. Hindi e. No offense ha, nayayabangan kasi ako dun"

Ouch? Why? Mabait si Daniel Padilla . Akala mo lang mayabang pero hindi! Sobrang down to earth non. Narinig ko namang natawa ng mahina si Jade.

"E si James Reid?"

"Ah. Hindi din e. Isa pa yun. Mayabang din"

This time. Ako naman yung natawa. Si Jade? Ayun! Timik lang.

"Ahh. Hehe . Crush? May crush kang celebrity?"

"Oo. Si vice"

"Whaaat?! Bading ka?"

Medyo napalakas yung pagkakasabi ko kaya napatingin samin yung iba naming kaklase na nasa room. Patay! Baka mapagkamalan nila na bading tong si Daniel.

"Ahh. Classmates ano ahm. Hindi bading tong si Daniel. Namiss interpret ko lang yung sinabi nya. Sorry"

Nagsitanguan naman yung iba kong kaklase yung iba walang pakialam. Natapos kami sa pagkain at balak namin ni Jade na itour dito sa school si Daniel. Paalis na sana kami ng tawagin ako ni Ms. Alfonso. Kaya ang ending si Jade nalang yung magtotour kay Daniel. Argh! Kainis naman si Ms. eh. Magpapasulat lang pala sa manila paper kasi daw ganda ng sulat ko. Hindi tuloy ako nakasama kay Jade.

Ilang oras ang nakalipas tapos nako sa pagsusulat. At lumabas ako sa room namin at tumambay sa corridor. Nagpalibot libot lang yung tingin ko at sa hindi inaasahan nahagip ng mata ko sina Daniel at Jade. Mukhang ang saya nila ah? Ano kayang pinagtatawanan nila? Bat masaya sila? Oh? Bakit ako ganito makareact? Wala lang. Pakelam nyo ba? De joke lang. To tell you honestly kahit kakikilala ko palang kay Sky Daniel alam kong crush ko na sya. Ganun ako e madaling mafall. Isang ngiti lang nya ayun wala na, hulog nako.Ang sakit lang sa feeling na hindi ka saluhin. Ouch! Crush lang naman e, hinahangaan pero bakit ako nasasaktan sa nakikita kong masaya si Daniel kasama si Jade? Diba dapat ako yun? I mean dapat kasama nila ako diba? Nang makita kong pabalik na sila, pumasok na din ako sa room. Umakto ako na nagbabasa ng libro.

Daniel Padilla ng Buhay KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon