DJP#8

32 0 0
                                    

Mabilis lumipas ang araw. Ilang araw na din akong umiiwas kina Jade at Daniel. Ewan ko nga lang kung napapansin nila yun. Hindi nako sumasabay sa kanila sa pagkain o kaya pag'uwi. Thankful ako kasi ako yung nakasali sa pageant, ginagawa ko yung dahilan para umiwas sa kanila. Minsan nga nung nagpapractice kami sinubukan nilang hintayin ako pero mas pinili kong sumabay nalang sa ibang candidates kaysa sa kanila. Bahala sila, wala naman kasi akong sinabi na hintayin nila ako e, sila yung kusang naghintay wala nakong kasalanan kung hindi ako sa kanila sumabay at naghintay sila sa wala.

"Ok. 1 hour break. Very good kayong lahat. Perfect nyo na ang steps. After 1 hour balik ulit kayo for our last practice"

Naupo ako sa isang mono block na upuan at nagpahinga. Aish? Kapagod. Ilang practice ba ang ginawa namin ngayon para sa production # at pagrampa? Tas bukod pa yung practice ko para sa talent ko. Argh! Ang hirap.

"Bessy"

"Ja---de?! Ano ba! W-wait lang"

Aish! Si Jade naman oh. Ano bang kailangan nito? Bat kailangang higitin pa ko. E naka'heels pa naman ako ng 5inch. Pag ako natalisod dito. Ipupukpok ko sa tuktok ng ulo nya ang pointed na takong nito.
Nakarating kami sa garden ng school. Woah? Meron palang ganito dito. Naupo si Jade sa may gilid ng fountain.

"Jade? Ano bang ginagawa natin dito?"

"Maglalaro tayo ng Pak Ganern bessy. Haha. Masayang laro yun diba?"

Huh? Pak Ganern? Tengene! Ayoko.

"Ayoko Jade. Wala ako sa mood makipaglaro ngayon. Pagod ako"

"Bessy. Miss na kita e. Magbonding naman tayo kahit ngayon lang"

Ramdam ko sa boses nya ang lungkot. Pero anong magagawa ko? Bukod sa ayaw ko muna silang makausap. Pagod na pagod din ako.

"Pagod nga ako Jade. Next time nalang. Sige na alis nako"

Humakbang nako palayo sa kanya pero napatigil din ako sa sinabi nya.

"Bessy iniiwasan mo ba ako? Kami ni Daniel? Galit kaba?"

Ramdam kong lumapit sya sakin. Humarap naman ako sa kanya.

"Hindi. Busy lang talaga ako. Bakit mo ba yan nasabi?"

"Kasi feeling ko"

Huminga ako ng malalim bago ko sya sinagot.

"Feeling mo lang yun. Hindi ako galit. Sige na"

"Bessy. Gusto mo sya diba?"

Napatingin naman ako sa kanya. Pano nya nalaman yun?

"Gusto mo si Daniel diba?"

Pag'uulit nya ng tanong nya kanina pero this time may pangalan na ni Daniel. Ngumiti ako sa kanya ng pilit at sumagot.

"Ewan ko Jade. Hindi ko alam"

Nagpatuloy nako sa paglalakad ko at naiwan syang nakatayo mag'isa sa garden. Kahit alam ko sa sarili ko ang sagot mas pinili ko pa ding magsinungaling. Oo gusto ko si Daniel, hindi mahal ko pala sya. Kaya nga ako nasaktan ng malaman kung si Jade ang gusto nya diba? Kaya ko nga sya iniyakan diba? Kasi mahal ko sya. Mahal ko si Daniel Sy.
-----

"Okay! Tapos na ang practice. Maaari na kayong umuwi at magpahinga para bukas. Goodluck sa inyong lahat!"

Anunsyo ng baklang choreographer namin. bukas na nga pala ang pageant. Kinakabahan nako. Inayos ko na ang sarili ko para makauwi na. Pero kailangan ko pala munang pumunta sa room para Kuhanin yung iba ko pang gamit.

Daniel Padilla ng Buhay KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon