DJP#9

50 1 0
                                    

Lumipas ang sabado at linggo at lunes na naman, may pasok na naman pero hindi pa rin ako nakakamove on sa pagkapanalo ko sa pageant nung friday. Parang miss universe lang ang nangyari sa pageant na yun. Haha. Si candidate #2 na Ms. Columbia kasi akala nya sya na yung champion pero ako pala. Grabe! Unexpected lang talaga yung nangyari. Nakatanggap ako ng 3 special awards tas ako pa yung nanalo bilang Ms. ST. John Academy with crown,trophy and 25,000 cash. Yung napanalunan kong pera yung iba dun ibibigay ko kay Ms. Alfonso para ipapintura at ipaayos ang classroom namin syempre kaya naman ako sumali ay para irepresent ang section naman eh. Para sa kanila talaga tong napanalunan ko.

Nakababa nako sa jeep at naglalakad nako papasok ng school pero napatigil ako ng makita ko yung tarpaulin na nakalagay sa may school gate namin. Paksyet! Mga pictures ko nung pageant night yun andun tas may nakasulat na 'Congratulation Zinitchi Abarquez for winning Ms. St. John Academy'. Woah? So kailangang nakadisplay pa talaga dito? Maraming makakakita nyan panigurado. Nagpatuloy nako sa paglalakad papuntang room pero sa school grounds palang napatigil nako kasi may humarang saking tatlong lalaki. Yung isa nag'abot ng bulaklak, yung isa letter at yung isa chocolate. Nagpasalamat naman ako at nagdiretso na sa room. Grabe? Bakit may paganto pa sila. Nakapasok na ko sa room at nagulat ako ng lahat ng mga kaklase ko sumigaw ng

"Congratulation Zinitchi!"

"Woah? Thankyou. Hehe"

"Bessy. Galing mo! Ikaw na tuloy pride ng section natin. Congrats bessy"

"Sus? Thankyou bessy"

Naupo nako at tumabi sakin si Jade. Napansin kong wala pa si Daniel. Aba? Late? Magtatime na kaya. Baka absent. Eh? Bakit?!

"Naks! San galing yang mga yan bessy?"

Tinuro naman ni Jade yung mga bigay sakin kanina nung tatlong lalaki kanina.

"May nagbigay lang kanina. Nagulat nga ako e"

"Yern naman. Instant celebrity lang ang peg? Haha"

"Agad na? Hindi naman. Haha"

Dumating na si Ms. Alfonso at kinongrats din ako at dahil sa pagkapanalo ko daw inanunsyo na hindi kami magkaklase ngayong araw. Tuwang tuwa naman ang iba kong mga kaklase. Kaso ako malungkot absent si Daniel. Bakit kaya?!
----
Dismissal

Kami lang ni Jade ang sabay na umuwi.
Bumaba ako sa kanto namin umuwi ako agad at iniwan ko ang mga gamit ko sa bahay, pupuntahan ko si Daniel. Hindi nako nagpalit ng damit, naka'uniform pa rin ako. Sa twing may makakasalubong akong tao kinocongrats ako. Pinamalita kasi ni mama na nanalo ako kaya yan kalat.

Nakadating ako sa bahay nina Daniel, bukas ang gate kaya pumasok ako.

"Daniel!?"

Tawag ko. Pero walang sumasagot. Bukas yung pinto ng bahay nila.

"Daniel?!"

*blaaaaaggg*
(Tunog ng may nabasag na something XD)

Shit! Ano yun?

"D-daniel?!"

Pero wala pa ding sumasagot. Kinakabahan ako dun sa may nabasag e. Kaya kahit walang nagpapasok sakin pumasok pa din ako sa loob ng bahay.

"Daniel?"

Tawag ko habang na sa may sala ako. Aakyat sana ako sa hagdan kasi baka nasa kwarto nya si Daniel pero may narinig akong tunog mula sa kusina. Baka andun sya kaya dun ako nagpunta.

"Daniel"

Bigkas ko ng pangalan nya ng makita ko syang nakaupo sa upuan at umiinom ng beer. Woah? Aga pa ah.

Daniel Padilla ng Buhay KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon