DJP#4

51 0 0
                                    

Facts about Daniel Padilla
.kapag magpapapicture ka sa kanya asahan mong aakbayan ka nya
.pangit daw handwriting nya
.tamad syang magsulat pero pagdating kay kath masipag sya
.hindi sya umaalis sa set kapag hindi pa tapos sikat
.miss na nya magjeep,trysikel at bus

Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa ng may kumulbit sakin. Paniguradong si kuya to. Sinunsundo nako.

"Kuya di pa ko time"

Magpapatuloy na sana ulit ako sa pagbabasa ng kulbitin nya ulit ako.

"Ano ba naman kuya! Wag kang makulit! Lumayas ka!"

Pero kinulbit na naman nya ko. Babatukan ko na sana sya mapansin kong hindi si kuya yung kumulbit sakin.

"D-daniel?!"

"Hehe. H-hi? Nakaabala ba ko sayo? S-sorry"

Luh? Ginagawa nya dito?

"Ah. Hindi naman"

Napatingin naman sya sa computer na ginagamit ko.

"Adik ka talaga sa kanya noh?"

Dont worry pati naman sayo. Gusto ko sanang sabihin kaso nahihiya ako. Hahaha. Landi ba? Di naman.

"#26 time na!"

Nung tinawag yung # ng computer na gamit ko aalis na sana ako. Ang kaso naalala kong andito nga din pala si Daniel.

"Ah ano. U-wi nako. Babye"

Naglakad na ko palayo . Shet! Ramdam kong nagbablush ako. Natigil ako sa paglalakad ng tawagin nya ko.

*dubdubdub*
Ano ba heart? Kalma lang.

"B-bakit?"

"Tara magmeryenda"

Waaaah? Inaaya nya ko. Ang kaso wrong timing wala nakong pera binayad kona sa shop.

"Ah eh. La akong pera eh. N-next time nalang"

"Libre ko. Sige na tara"

Hindi nako nakatanggi kasi hinigit na nya ko. Shet! Hawak nya yung kamay ko. Kinikilig ako!

"Anong gusto mo? Street foods o lomi?"

"I-ikaw bahala"

Nahihiya kong sagot.

Ang ending sa sari sari store kami ni Aling Eba bumagsak. Kulang daw pala yung dala nyang panlomi. Shete! Pinapili pa ko noh? Pero no worries hindi ako na'turn off. Hehe. Crush ko pa din sya kasi atleast nilibre nya ko. Haha.

Bandang alas tres umuwi nako. Nadatnan ko si kuya na nanunuod ng PBA.

"Oy Nitchi san ka galing?"
Tanong nya nakatingin pa rin sa tv.

"Sa tabi tabi nakipagdate"

"Weh. Kanino? Sa picture ni Padilla?"

"Hindi kay Daniel. Yung classmate ko"

"Ows? Tunay? Mukha mo may papatol? Asa ka kapatid"
Sagot nya pa rin habang tutok sa tv. Kaya nagkaron naman ako ng chance na ibato sa kanya yung tsinelas na suot ko. Sinipat ko pa yun para ihead shot sya. Nung ibato ko na nasanggahan nya nung unan nasa sopa. Tawa naman sya ng tawa kasi hindi daw tumama.

"Hahaha. Kala mo Nitchi ha. Alerto kaya to"

Sa inis ko nagwalk out ako papunta sa kwarto ko pero bago pa ko makapasok may naisip akong evil plan. Napatingin ako sa kabiyak na tsinelas na suot ko. Tinawag ko siya at ginawa ko na ang masama kong plano.

Daniel Padilla ng Buhay KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon