A/N
REAL TALK: Im a fan! A certified and ultimate fan ng KathNiel. Im one of the million fans out there ni Kath and Daniel. Im a Silent Fan. I dont give a damn. Hindi ako nakikipag'away sa ibang fandom, basta fan ako yun na yun. Support kung support.
~*~*~CHAPTER 1
Dj
DJP
DJFP
Deejay
Daniel Padilla
Daniel John Ford Padilla"Kyaaaaaaaaahhhh!!"
Sigaw ko sa may sala habang nakaharap sa mga homeworks ko. Nakarinig naman ako ng kalampag mula sa kusina.
"Nitchi? Anong nangyari? Bat ka sumisigaw?!"
Tanong ni Kuya habang may dalang sandok at taklob ng kaldero.
"Wala kuya. Kinikilig lang. Haha"
Sinamaan naman niya ko ng tingin at hinampas sakin yung dala niyang sandok.
"Aruy! Kuya naman. Para san yun?"
Himas himas ko yung ulo ko na tinamaan nung sandok.
"E kala ko kung napano kana. Bakit kaba kasi sumisigaw?! Kinikilig ka lang! Linggong linggo nag'iingay ka dyan! Pasalamat ka ang mga kapitbahay natin nasa simbahan nagpapakabanal"
"Kuya. Masama na bang kiligin ngayon?"
Kinuha ko naman yung isang picture ni Daniel Padilla na nakasingit sa isa sa mga notebooks ko. Tiningnan ko yun ng mabuti at hindi ko maiwasang hindi kiligin ulit.
*PAAAKK*
"OUCH! Kuya! Ano ba?"
This time yung taklob naman ng kaldero ang tinuktok niya sa ulo ko.
"Natatanga ka na naman dyan kay Padilla na yan. Ano? Buong maghapon mong tititigan yan?"
"Hindi noh! Manunuod ako ng tv nasa asap kasi mamaya si Daniel!"
"Tinamaan ka nga naman ng kabaliwan! Ano bang nakain mo at patay na patay ka dyan sa artistang yan! Ni hindi mo nga nakikita sa personal"
Bigla naman akong nakaamoy na parang may nasusunog.
"Kuya? May naaamoy kaba?"
"Ha?"
Sumingot singhot naman sya na parang aso. Nanlaki ang mata nya at napatakbo sa kusina.
"Tangina! Sunog ang sinaing ko!!!"
Napatawa naman ako ng mahina at tinitigan ko na naman yung picture ni Daniel Padilla. Ang artistang mahal ko na mahal mo na mahal ng milyon milyong tao sa mundo.
Im Zinitchi Abarquez. 17 . 4th year highschool .And im a certified fan ng nag'iisang Daniel John Ford Estrada Padilla.
~*~*~
Napatingin ako sa wall clock na nakasabit sa dingding ng bahay namin. 1:30 na. Omaygad! Asap na!
Kinuha ko ang remote ng tv namin at muntik nakong mahimatay ng saktong bukas ng tv mukha ni daniel padilla na kumakanta ang bumungad sakin. Sa ganda ng boses nya palihim akong kinikilig. Nakatulala ako sa screen ng tv namin ng biglang may tumamang basahan sa pagmumukha ko. Tangna! Basahan sa paa. Pero hindi ko na pinansin yung bumato nun sakin. Tinging tingin pa rin ako sa tv.
'Kyaaaahh! Daniel! Kailan ba kita makikita ng personal?!'
Tanong ko sa isipan. Kasi kahit fan niya ko hindi ko pa talaga sya nakikita ng personal. Sad to say hindi ako katulad ng ibang fans niya na talagang nakikipagsapalaran para lang makita sya. Ako kasi mahirap lang. Wala akong pambili ng ticket sa concert nya. Wala akong pera pamasahe para makapunta sa mga mallshows nya. Through facebook lang ako nakiki'update,ni wala akong account sa twitter hindi ko tuloy sya ma'follow. Sa instagram naman hindi ko alam kung alin ba talaga true account nya. Aish? Pangarap ko talagang makita sya personal. At kung sakaling mameet ko sya. Tangna! Pwede nakong mamatay ng nakangiti!
BINABASA MO ANG
Daniel Padilla ng Buhay Ko
Fiksi RemajaGwapo Matangkad Matangos ang Ilong Magandang Mata Magandang Boses Mabait Mapagmahal Maalaga Down to Earth Humble Gentleman Ngiti pa lang kikiligin kana. Pag kumanta sya mapapatulala kana lang. Sya ang taong kahit walang abs nakakainlove. Pag kinausa...