DJP#5

68 0 0
                                    

Andito na kami lahat sa loob ng room. Hinihintay nalang namin si Ms. Alfonso at sa wakas dumating na din sya. Bago sya nagsimulang maglecture kinausap na muna nya ko about sa pageant na sasalihan ko dito sa school. See? Ang mabait na ako kasali sa pageant. Haha. E kasi naman ako ang muse ng section namin. Langya mga kaklase ko pinagkaisahan ako. Dapat si Jade yun e. Kaso lang sya na daw yung kasali last year kaya ang ending ako. Escort ko si Jobert. Dapat kasi si Daniel nalang e. Dapat sya yung binoto. Kainis naman kasi kung sya escort ko syempre gaganahan ako. Kaso hindi e. Pero hindi din naman sumali sa pageant si Jobert wala daw syang self confidence. Ibovolunteer ko nga dapat si Daniel e ang kaso baka isipin nilang desperada ako kaya wag nalang. Kakayanin kong mag'isa to. Bahala na si Batman!

Sinabi lang sakin ni maam na kailangan kong umattend ng practice para production # naming mga candidates,tas yung tamang paglakad/pagmodel. Maghahanda din daw ako ng talent ko. Lintek nayan! Wala akong talent. Hindi ako talented. Bahala na din si Batman dun. Tas sports wear daw,tas long gown at maghanda daw ako sa Q and A. Shet na yan. Ngayon palang kinakabahan nako.

Si mama nga nung malamang kasali ako sa pageant , sabihan ba naman lahat ng kabaranggay namin na manuod at suportahan daw ako. Ano ako? Tatakbong konsehal. Si mama talaga OA. Haha. Tas si kuya naman nung malaman nya hindi makapaniwala baka daw matalo lang ako, tingnan nyo yun. Kapatid ko ba talaga sya? Sa halip na suportahan ako dinadown pa ko lalo. Kaimbyerna yun ha.

Recess Time
Kumakain kaming tatlo nina Jade,Daniel at ako dito sa loob ng room.

"Bessy. Anong talent mo?"

"Ewan ko bahala na. At saka wag na nga muna nating pag'usapan yun. Kinakabahan ako e. Malayo pa naman yung laban ko"
Aish! Sana naman magawa ko yun ng maayos. First time kong lalaban sa ganon e.

"Sky ikaw nalang kaya escort nitong si bessy"
Muntik ko na namang mahalikan sa pisngi si Jade sa sinabi nyang yun kay Daniel. Haha. Malay nyo pumayag diba?

"Ahh. Wala kasi akong hilig sa ganon eh. Sorry. Ichicheer nalang kita Zinitchi"
Ouch! Pero okay lang ichicheer naman daw nya ko e. Haha. Basta may banner ha. De joke lang! Ayos na sakin yung isagaw nya yung 'Go Zinitchi'. Ayos na ko dun atleast si Daniel yung nagsabi. Haha. Landeee!
-----

This is it! Kuhanan na ng card! Jusmeyo marimar! Kabado ako.. hindi ko alam kung matataas ba grades ko ngayong 1st grading. Si maam kasi e hindi nya pa nasusulat sa board mga achievers. Kahit section B lang kami sa 4th year pumipili pa din sila ng mga top samin. Si kuya yung kukuha ng report card ko kasi si mama wala, nasa probinsya na ulit. Nang makita kong hawak na ni kuya yung sakin kinabahan ako lalo kasi seryoso syang lumapit sakin. Patay! Baka mababa grades ko. Sana naman hindi.

"Sabay kana sakin umuwi"
Seryoso pa rin si kuya nung sinabi nya yun sakin. Anla? Hindi ako sanay na seryoso si kuya. Natatakot ako.

"Ahh. W-wait lang kuya. Paalam lang ako kina Jade"

Naglakad naman ako patungo kina Jade at Daniel at nagpaalam na sasabay nako kay kuya. Pumayag sila. Aish! Kasabay ko dapat si Daniel e. Sayang!

"Tara na kuya"
Naglakad na naman kami palabas ng room. Sumakay kami sa jeep at wala pa ding imik si kuya. Eh? Bakit kaya? Dahil ba mababa grades ko? Bawi nalang ako sa 2nd grading promise. Pero nag'aaral naman ako ng mabuti e. You know may inspirasyon ako. Dalawang Daniel ng buhay ko. Isang artista at isang ordinaryong tao na crush ko at kaklase ko pa.

Nagtaka naman ako ng pumara si kuya sa tapat ng mall. Luh? Gagawin namin dito?

"San mo gustong kumain?"

"Huh? Bakit kuya?"
Bakit naman kami kakain? Anong meron?

"Magsecelebrate tayo"
Celebrate ng?

Daniel Padilla ng Buhay KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon