Medyo tanghali na kong nagising medyo napuyat kasi ako kagabi. Nanuod ako ng GGV guest kasi sina Daniel Padilla. Kaya ayun haha. Grabe! Kaadik pa din talaga si Daniel Padilla. Naglakad nako papuntang kanto.
"Zinitchi?!"
"Daniel. Oh? Andito ka"
"Oo. Hinihintay kasi kita. Akala ko nga nasa school kana e"
"Hala? Kanina kapang naghihintay?"
"Mga 6"
Tiningnan ko naman yung relo. Shocks! 6:30 na. Ibig sabihin 30mins. na syang naghihintay sakin? Waaaaah! Nakonsensya ako!
"Waaah! Sorry. Antagal mong naghintay"
"Wala yun basta ikaw. So tara na"
"Sige"
Sumakay kami sa jeep at nakarating na ng school. Medyo kalat ang 4th year students ngayon kasi practice na ng graduation namin. Oo ganon kabilis! Gosh! Mamimiss ko ang highschool. Lalo na ang mga kaklase ko kahit magugulo sila, mababait naman. At tsaka first time kong magkabestfriend ng sobrang bait, take note kahit jadine fan pa sya at kathniel fan naman ako hindi yun naging hadlang para masira yung friendship namin. Sana parehas kami ng papasukang college school ni Jade para palagi pa rin kaming magkasama pati ni Daniel. Syempre sya pa ba yung hindi ko mamiss? Sabagay medyo malapit naman pala bahay nila, pwede ko namang puntahan anytime. Chos! Hahaha.
"Bessy!"
"Uy"
"Sweet. Sinundo kaba ni Daniel?"
Kinilig naman ako sa tanong nya.
"Oo. Antagal nya ngang nag'antay e. Nakakahiya"
"Ayyyiieeeh!"
"Tigilan mo nga ako Bessy"
"Kinikilig ka lang e"
"Psh! Hindi noh"
"Weh?"
"Oo nalang para matigil kana. Tara na nga sa gym"
Nagpunta na kami dun para magpractice para sa graduation. Kainis! Parang ayaw ko pang grumaduate. Mamimiss ko lahat dito. Totoo nga yung sabi ng iba na 'highschool is the best'. At ngayong malapit na kaming umalis sa school nato, ngayon palang naiiyak nako. Dami kong memories dito e.
Break daw muna, kaya nagpahinga muna ako.
"Bessy. Tara bili tayo. Gutom nako"
"Osige. Tara"
Aalis na sana kami kaso tinawag ako ni Daniel. Kinilig naman ako. Bakit kaya?
"Wag na kayong bumili. Nakabili nako oh"
Pinakita nya samin yung mga pagkain na dala. Wow!
"Yan ang gusto ko sayo Daniel e. Pagdating kay Zinitchi galante ka. Ipagpatuloy mo yan"
Langya naman tong si Jade. Ako ang nahihiya sa sinasabi nya e. Kinain naman din yung biniling pagkain ni Daniel. Halos si Jade nga nakaubos e. Kahiya to.
"Zinitchi eto oh"
Tiningnan ko naman yung inaabot sakin ni Daniel. Pepsi in can pala. Kinuha ko naman yun at nginitian sya.
"Thankyou"
"Ala? Bat pepsi kay Bessy? Tas sakin tubig lang?"
Wow. May gana pang magreklamo tong si Jade e sya nga yung nakaubos ng pagkain e.
"Ah. Gusto mo ba? Teka ibibili kita"
Tatayo na sana si Daniel para ibili si Jade pero pinigilan ko sya. Nakakahiya e.
BINABASA MO ANG
Daniel Padilla ng Buhay Ko
Teen FictionGwapo Matangkad Matangos ang Ilong Magandang Mata Magandang Boses Mabait Mapagmahal Maalaga Down to Earth Humble Gentleman Ngiti pa lang kikiligin kana. Pag kumanta sya mapapatulala kana lang. Sya ang taong kahit walang abs nakakainlove. Pag kinausa...