Hanggang sa Muli

981 10 7
                                    

Short Story.

Intramurals noon ng makita kita naglalaro ka ng badminton kaya naman napatigil ako sa aking paglalakad at pinanood kang maglaro. May mga time na napapatingin ka sa direksyon ko kaya naman ako'y nagtaka kung bakit. Pero nakakahanga ang mga bawat galaw mo, napaisip tuloy ako ng 'paano kaya kung maging kaclose kita'.


Hindi ko namalayan nakatitig na pala ako sayo, kung hindi pa ako tinawag ng aking matalik na kaibigan hindi magigising sa realidad. Pero hindi maalis ang aking tingin sa iyong mga mata, hindi maintindihan ang nararamdaman, puso ko'y bumibilis ang tibok.



Makalipas ang ilang araw nagkakasama na tayo sa mga training ng badminton, oo parehas tayo ng sport na sinasalihan kaya nga napahanga mo ako. Pero hindi parin tayo nag-uusap.



Nung nasa canteen tayo mayroon akong naging kaibigan na kaibigan mo din tinawag ka niya sinabi ko naman na wag na. Tinanong ka niya kung kilala mo ako pero nasaktan ako sa sinabi mo na 'hindi mo ako kilala' ngunit nagkakasama na naman tayo sa training. Pero binaliwala ko lang iyon.


Sa sumunod na araw tinanong mo yung kaibigan mo/ko na kung ano nga ang pangalan ko, natuwa naman ako at tinanong mo pa kung ako ba ay may account sa facebook, kaso wala akong account e. Sa twitter.



Sa Twitter tayo unang nagkausap tuwang-tuwa ako noon dahil ikaw pa ang unang nagchat sa akin, hinampas hampas ko pa ang kapatid ko noon. Saglit nga lang tayo nakapagusap, sabi mo maggym ka at hintayin kita pero hanggang sa inantok na ako chinat na lang kita na bukas na lang natin ituloy ang pagchachat.



Ilang araw na tayong nagchachat. Sabi mo pa noon kaya mo akong hintayin dahil alam mo na bawal pa akong magboyfriend. Dahil doon nagaganahan na akong pumasok sa paaralan at magtraining lalo na't alam kong kasama ka.

Isang gabi niyaya mo ako lumabas pero dun lang sa subdivision namin nagstroll tayo gamit ang iyong motor. Tumigil tayo sa isang park. Nagkwentuhan lang tayo ng nagkwentuhan noon hanggang sa wala na akong masabi at nagyaya ka ng ihahatid mo ako sa bahay namin. Pero patawad tahimik lang talaga ako at noong oras na yun may naglalaro sa isipan ko.



Nang makarating na tayo sa tapat ng bahay (ng kapitbahay namin actually) nagbabye na ako sayo, naglakad na ako papasok ng aming bahay at kumaway sayo lalo akong natuwa noong hindi ka pa umalis hanggang di pa ako nakakapasok ng bahay namin. Sobrang saya ko that day napuyat pa nga ako noon e sa sobrang kilig ko.

Kinabukasan niyaya mo ulit ako noong gabing iyon. Nasa park ulit tayo nakaupo sa may bench. Napatingin ako sa itaas sobrang ganda ng langit ngayon punong puno ng mga bitwin, tinignan ko naman ang dalawang matanda sa may swing mag-asawa sila at sobrang sweet. Sana ganun din tayo.

Tumingin ako sayo noon at nagulat ako ng nakatingin ka pala sa akin at nakangiti, kaya napangiti na din ako. Tinuro mo pa nga sakin ang four steps kung paano ka maging kaibigan (hokage moves) unang bilang mo ay sa balikat mo sa kanan at yung pangalawa ay sa kaliwa mong balikat pangatlo sa kanang balikat ko at ang pang-apat ay sa kaliwang balikat ko, kaya namam naakybayan mo ako. Kinilig ako sa totoo lang.



Meron pa tinuro mo din sa akin kung paano maging letter E ang letter M. Pinasandal mo ang ulo ko noon sa balikat mo at gumuhit ka sa ere ng letrang m at sinabing kapag sumandal ako makikita ko ang letrang e. Natawa naman ako doon.



Hanggang sa MuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon