Foundation ngayon kaya hindi tayo masyadong nagkikita nakaasign kasi ako na magbantay ng tent namin. Nagkikita naman tayo pero nagkakangitian lang tayo. Nang magpunta kami ng kaibigan ko sa canteen nakita kita nun. Sabay tinawag mo ako kaya naman lumapit ako sayo inasar pa nga ako ng mga kaibigan ko nun.
Nakatabi kita nun dahil chinarge mo yung phone mo malapit sakin. Nakita pa tayo ng isa sa mga teacher at inasar tayo. Ang saya sa pakiramdam na inaasar nila tayo minsan kinikilig din ako. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko nung kasama kita.
Nang huling araw na ng foundation kinausap ako ng isa sa mga kaibigan ko na sinabing "Althea ikaw ba yung kasama ni ---- tapos angkas sa motor?" nagtaka naman ako dahil hindi naman ako lumalabas ng bahay kahapon. Umiling ako at mukhang nagtaka siya. "Eh sino yun?" tinawanan ko lang muna siya kasi baka nagjojoke lang siya. Pero sinabi niya pa na nakayakap nga daw yung babae habang nakaangkas sa motor mo.
Dun na nagsimula tumulo ang luha ko. Unang-una pa lang naman talaga alam ko ng may iba ka pero ano bang karapatan ko sayo. Ano bang magagawa ko e hindi mo naman ako girlfriend. Hindi ko masabi sayo na nasasaktan na ako dahil wala din namang mangyayari.
Hindi ko na alam gagawin ko. Lagi na akong tulala kapag may discussion hindi na ako nakakapakinig dahil yun padin ang naiisip ko. Kung nakinig ba ako sa mga taong nasa paligid ko hindi ba ako masasaktan? Hindi ba ako makakaramdam ng lungkot at sakit ngayon.
Sumabay pa na nalaman naming magkakapatid na mayroong babae ang tatay namin. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Tinry kong patayin ang sarili ko nun pero may pumigil lang sakin. Sobra na akong madaming naiisip at nalilipasan na ako ng gutom. Wala na akong pakielam kung mangayayat ako pero wala talaga akong gana.
Bumaba din ang grade ko pero di ko na lang pinansin. Tipong dati sa ibang bagay lang ako walang paki pero ngayon parang gumawa na ako ng sarili kong mundo. Merong mga kumakausap sakin pero hindi ko na pinansin.
Lagi akong umiiyak tuwing gabi bago matulog kaya naman kinabukasan maga ang mata ko. Kapag tinatanong ako nila mama sinasabi ko na lang na nagbasa ako ng wattpad at nakakaiyak ang ending nasisi pa si wattpad na wala naman talagang ginagawa sakin.
After a weeks medyo nagiging okay na ako. Pero bigla ka namang nagparamdam ulit. Hindi ko alam kung matutuwa ako o magagalit dahil sobrang kapal ng mukha mo at nagparamdam ka pa.
Binaliwala ko lahat yun naging tanga nanaman ako kinausap nanaman kita pero ganun ka padin bigla-biglang hindi na nagchachat. Nagbakasyon na lahat lahat hindi na tayo nakapag-usap. Kaya sinabi ko sa sarili kong hintayin na lang kita ulit magchat. Alam kong mukha na akong tanga pero anong magagawa ko mahal kita e.
[A/N] : Sorry guys kung ngayon lang ako nakapag-update sobrang busy sa school first week pa lang ang dami na agad pinapagawa hirap maging grade 10 😭 Sorry sa typos kasi tinatamad na akong iedit dami ko pang ginawa.
1 day to go....
![](https://img.wattpad.com/cover/91299245-288-k152956.jpg)
BINABASA MO ANG
Hanggang sa Muli
Short StoryThis is a one shot story. Naisipan ko lang po itong story na ito dahil hindi ako makatulog. May naaalala lang ako. And that is a bad, but a memorable moment.