Kinabukasan lumabas kami ulet.
Natahimik naman kami saglit pero bigla siyang nagsalita. "Tara dito, isipin mo letter e to" tas ginalaw niya yung kamay niya ng pa-letter E. "Tapos, paano magiging letter M yun?" tanong niya sakin pero hindi ko alam kung papaano. "Ewan ko" sagot ko.
Sinandal naman niya yung ulo ko sa balikat niya. "Ayan makikita mo na kung paano siya magiging M" una hindi ko gets pero maya-maya sabay kaming natawa. "Ang corny mo" sabi ko.
Tumingin ako sa langit at sinabi ko sa sarili ko na "Sana siya na talaga ang para sakin".
"Eto pa, eto pa" napatingin naman ako sa kanya ng magsalita siya. "Oh ano nanaman yun?" sabi ko sa kanya habang natatawa.
"May hika o sakit sa puso ka ba hahahaha?" napataas yung kilay ko sa tanong niya pero natatawa ako. "Oo, hika meron, bakit?"
"Baka kasi magulat ka sa gagawin ko" kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya at siya naman natawa ng mahina. "Hindi yan, ano ba yung gagawin mo?" sabi ko at lumapit sa kanya lalo.
"Osige sabi mo eh" tas umurong din siya. "Ilan balikat mo?" natawa naman ako sa tanong niya. "Hahahaha dalawa malamang" sagot ko.
Umiling siya at sinabing mali ang sagot ko kaya naman nagtaka ako. "Paano hindi naging dalawa balikat ko? Hahahaha" sabi ko habang natatawa.
"Apat" napatingin naman ako sa kanya. "Huh?" nagtataka kong tanong. "Kasi.." hinawakan niya yung isang balikat niya "isa" pagkatapos yung kabilang balikat niya "dalawa" pagkatapos yung isang balikat ko na malapit sa kanya "tatlo" at yung panghuli inakbayan niya ako at hinawakan ang kabilang balikat ko "apat" sabay tawa niya.
Hinampas ko naman siya dahil sa pagiging corny niya. "Grabe sobrang corny mo po" sabi ko sa kanya. Nang wala na kaming mapagkwentuhan sumandal siya sa akin. "Inaantok na ako" sabi niya.
Napangiti naman ako dahil sa pwesto namin at napatingin sa langit ang daming bitwin na nagniningning.
Katulad kahapon hinatid niya ako ulet sa bahay.

BINABASA MO ANG
Hanggang sa Muli
Short StoryThis is a one shot story. Naisipan ko lang po itong story na ito dahil hindi ako makatulog. May naaalala lang ako. And that is a bad, but a memorable moment.