Author's Note: Scene ito dapat bago yung program kaso ngayon ko lang naalala to, hindi naman siguro magugulo yung story. Throwback na lang hahaha...
~~
"Andito na ba lahat?" tanong ng coach namin sa badminton dahil meron kaming leveling para sa tournament na sasalihan namin. Um-oo naman kaming lahat dahil wala na namang kulang samin.
Sumakay kami sa service sayang di ko siya nakatabi tapos yung dati ko pang crush nakatapat ko pa hahahaha.. Sa harap kasi siya umupo katabi niya yung isang staff na bakla.
Ng nasa stoplight kami tumitingin tingin ako sa may labas tapos pagtingin ko sa harap nakatingin siya sakin. JUSME! ANO NA MGA DAI!!! CAPS LOCK PARA INTENSE!!!!
Nahiya naman ako kaya sumandal ako kaagad. Nang makarating kami sa may court naiilang padin ako sa kanya at hindi ako makatingin.
Sobrang nakakahiya!
Habang naglalaro tuloy ako naiilang ako. Tapos sabi pa ng kapatid ko tumitingin pa daw sakin habang naglalaro kami ng kapartner ko.
Nang matapos ang laro ko sakto namang dumating si mama dahil sabi niya siya na daw ang susundo sa amin. Kaya pinuntahan ko siya at bumeso. "Haluuu" bati ko sa kanya.
"Kamusta leveling?" tanong ni mama. Nagkwentuhan sila nung coach at staff na kasama namin.
Kaya naman habang naghihintay kami ng kapatid ko na kasama din sa leveling nagkwentuhan lang muna kami. Pero napapatingin nanaman ako kay crush. (Parang ang jeje nung sa "crush" Hahhahaha)
Niyaya na kami ni mama na umuwi na kasama namin yung isa kong kaibigan dahil sa iisang subdivision lang naman kami nakatira kaya sinabay na namin umuwi.
Nagyaya muna si mama na magMCDO dahil nagugutom na daw siya. Maya-maya habang kumakain kami may narinig kaming mga pamilyar na boses. "Oh sila Sir pala, kakain din pala kayo dito" sabi ni mama.
Napatingin naman ako at saktong napatingin ako sa crush ko. Emegesh menge besh!
Pero dahil gutom din ako kain lang ako ng kain. Kuha fries sawsaw sa ice cream at kain ng chicken burger.
Nang matapos na kami nila mama kumain nagpaalam na kami sa kanila at tumingin muna ako sa crush ko. MGA BESHI NAKATINGIN DIN SIYA SAKIN!!!
Nang makauwi na kami. "Yun ba yung crush mo?" tanong ni mama. Tumango lang ako at inayos yung gamit ko. "Mukha siyang manloloko ayoko dun" napatingin naman ako sa kanya at tinaasan ko siya ng kilay.
"Seriously, Ma?" tumango-tango naman siya at tumaas na sa kwarto niya.
"Hindi naman yun manloloko at mukha namang mabait!" sigaw ko bago pumasok sa cr. Hindi ako galit sadyang hindi lang ako maririnig ni mama.

BINABASA MO ANG
Hanggang sa Muli
ContoThis is a one shot story. Naisipan ko lang po itong story na ito dahil hindi ako makatulog. May naaalala lang ako. And that is a bad, but a memorable moment.