Author's Note: This chapter is dedicated to BabyJhuana . Thank you for reading my story. Love lots ❤. Hindi ko pa alam kung hanggang ilang chapters kase medyo nakalimutan ko na yung ibang mga nangyari. Alam niyo na kailangan kalimutan ang mga masasamang memories hahahahaha chos lang.
~~
"Go RED TEAM!!!!!"
"GO YELLOW!!!"
"BLUE TEAAAAAM!!!"
"GO GO GREEEEEEN!!"
Kanya-kanyang cheer ang bawat team sa mga nakaraang araw dahil sa intramurals namin. Ngayong araw sobrang boring dahil wala man lang gana ang mga tao magcheer sa basketball game. Kaya naman naisipan namin ng mga kaibigan ko na manuod sa badminton at hinihintay ko din ang turn ko dahil lalaban din ako.
Habang naghihintay red and yellow team ang naglalaro na boys. Kaya yung ibang girls nagchicheer na lang para gumanda ang atmosphere dito sa quadrangle, dahil sobrang seryoso ang mga naglalaro. Dahil yellow team ako chineer ko ang kagrupo ko.
Pero nung tinignan ko yung kalaban namin. Wow! Ang gwapo ha! Na-amaze din ako sa paglalaro niya dahil sobrang galing niya. Kahit saan pumunta yung shuttlecock. Hindi ko alam kung sa akin ba siya napapatingin o sa likod ko, pero dahil sa assumera ako baka sakin nga nakatingin sabi ko sa sarili ko. Sa hindi malamang dahilan hindi ko maalia ang tingin ko sayo.
After matapos nung game nila may iba pang mga sumunod na naglaro bago kami nung kapartner ko. Hindi ko na din nakita yung lalaki kanina dahil nawala na yung atensyon ko sa kanya nung kausapin ako ng mga kaibigan ko.
Pero sana makita pa kita at makausap, sabi ko na lang sa sarili ko. Hinahanap kita kung saan-saan nun sa buong building ng school natin pero hindi na kita makita. Hindi pa siguro eto ang araw na dapat kausapin kita.
BINABASA MO ANG
Hanggang sa Muli
Historia CortaThis is a one shot story. Naisipan ko lang po itong story na ito dahil hindi ako makatulog. May naaalala lang ako. And that is a bad, but a memorable moment.