Day 5

189 6 0
                                        

Author's Note: I don't want to drop names, dahil baka may makabasa na kaklase ko or tiga same school ko. Hehehehe...

~~

Andito na ako sa may tapat ng simbahan at hinihintay ko na lang siya. Hindi nagtagal ay nakita ko siya papalapit dito sa simbahan nakamotor. Nag-hi muna aiya sakin. Ngayon pa lang kami nakapag-usap ng personal, kinakabahan ako.

Pina-angkas niya ako sa motor niya at naglibot kami sa subdivision. Pinakita ko din sa kanya kung saan yung bahay namin. Nung gusto na namin magkwentuhan pumunta kami sa may park at dun nagkwentuhan.

"May naging boyfriend ka na?" tanong niya kaya naman napayingin ako sa kanya. Magkatabi kami sa may bench sa ilalim ng puno at kitang kita namin ang langit na punong-puno ng bitwin.

"Oo, meron na" sabi ko at sumandal. Nilagay naman niya yung kamay niya sa likod ko at tumingin sa akin. "Ilan?" tumingin din ako sa kanya at sinagot yung tanong niya "Apat, pero isa lang yung seryoso kaya flings lang yung iba" tumango-tango siya at ikinwento din ang tungkol sa mga ex niya.

Nagkwentuhan pa kami ng kung ano-ano hanggat sa tinext na ako ng katulong namin na kaylilangan ko ng umuwi, kaya naman hinatod niya na ako sa bahay namin.

Hanggang sa MuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon