Day 13

130 3 0
                                    

Ilang araw akong nalungkot at walang ibang pinapansin kundi mga kaibigan at pamilya ko lang. Napansin ko din na nagtataka yung iba kung bakit ganito ang inaakto ko pero wala na akong pake.

Isang araw pauwi na ako naglakad lang ako dahil gusto ko mapag-isa nadaanan ko yung park kung saan tayo laging nagkikita. Naramdaman ko na tumulo ang luha ko.

Naalala ko nanaman. Nakikita ko nanaman na nanduon tayong dalawa masayang nagkwekwentuhan. Nakaakbay ka sa akin at kinekwentuhan ako ng mga jokes.

Hindi ko na mapigilan ang iyak ko kaya naman umupo muna ako sa isang bench. Ramdam na ramdam ko yung lungkot dahil saktong walang tao ni isa.

Buti na kayanan ko pang umuwi sa bahay. Dumeretso na ako agad sa kwarto at nagkulong. Hindi parin nawawala yung sakit na nararamdaman ko dahil sayo.

Pero kahit anong sakit ang nararamdaman ko hindi ko magawang nagalit sayo.

Naiinis ako sa sarili ko.

Bakit hindi ako nakinig sa kanila.

Dahil syempre kapag nagmamahal ka wala ka nga namang papakinggan kung tama ba o mali ang ginagawa mo. Wala ka ng pake sa sasabihin ng iba kahit alam nilang masasaktan ka na at sinasabihan ka na nila hindi ka padin makikinig. Dahil nga nagmamahal ka, wala ka ng pake kung masaktan ka na.

Pero isang araw.

Nagchat ka ulet sa akin.

After nun lagi nanaman tayong magkausap

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

After nun lagi nanaman tayong magkausap. Sinabihan nanaman ako ng mga kaibigan ko na nagpapakatanga ako pero wala, hindi ko sila pinansin. Masaya ako na nakakausap kita.

Sinabi ko pang ikaw na talaga hanggang huli.

2 days to go...

Hanggang sa MuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon