This is a one shot story. Naisipan ko lang po itong story na ito dahil hindi ako makatulog.
May naaalala lang ako. And that is a bad, but a memorable moment.
Author's Note: Eto na yung pagkatapos ng huling chat nila.
~~
"Althea, ano yung icon mo sa twitter? Kayo na?" tanong ng kaibigan ko. "Hindi pa, pero sabi niya hihintayin niya daw ako" sagot ko.
"Ang tanong, Hanggang kelan siya maghihintay?" hindi ako nakapagsalita dahil dun. "Tanungin mo kaya siya kung ano ka ba talaga sa kanya at sigurado daw ba siyang hihintayin ka niya" hindi na talaga ako nakaimik.
Dapat ko na ata talagang itanong yun, dahil unang-una hindi ko talaga alam kung ano kami basta ang alam ko may gusto siya sa akin pero hindi niya sinabing may gusto siya sa akin. Pangalawa nahihirapan na din ako sa ganung status na yun. Pangatlo hindi ko alam kung seryoso ba talaga siya sakin.
Kaya naman paguwi ko sa bahay agad ko siyang chinat.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Pagkatapos niyang message na yan hindi mo na ako ulit kinausap. Ang dami na ding nagsasabi sa akin na tigilan na nga daw kita at niloloko mo lang daw ako.
Pero sabi ko sa kanila na siguro nagbago ka na. Pero sa sobrang naguguluhan na ako sa mga sinasabi nila. Hindi na lang din kita pinansin.
Nakaraan ang ilang araw na lagi akong umiiwas sayo nahahalata mo na din ata yung pag-iwas ko sayo. Kaya sinabi mo ata sa mga kaibigan mo at sa kapatid mo na kaklase ko.
At tinanong nila ako na "Bakit hindi mo na kinakausap si kuya?" tanong sa akin ng kapatid mo.
Hindi ko siya sinagot, dahil hindi ko din alam.
Hanggang sa lapitan ako ng kapatid ko at ipinakita ang convo niyong dalawa.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Simula nun hindi na muna kita kinausap. Minsan tinatawag mo ako pero hindi ko na lang pinapansin. At kapag may training tayo sinasabi ko na lang sa sarili ko na wala ka.