SORBETES
Naalala ko noong pasko,
Kasama kitang kumakanta at naglilibot.
Nagbabahay-bahay at nagbabakasakali,
Na may magbigay sa atin kahit kaunti.Naalala ko kung paano ka nagreklamo,
Noong tayo'y umawit ng kumpleto,
Subalit sa huli ay piso lamang ang bigay.
Kaya't ikaw ay naglupasay.Naalala ko kung paano lumiwanag ang iyong mukha,
Noong bigyan kita ng sorbetes at ika'y natuwa ng lubha.
At nang maubos ay ika'y tumakbo upang muling bumili,
Na naging sanhi para ika'y hindi ko na makitang muli.Kay sakit sapagkat hindi ko na masisilayan,
Mga iyak mong kay hirap pigilan,
Mga ngiti mong kay sarap pagmasdan.
Pangungulit mong kailanma'y hindi ko na muling mararanasan.Kaya't salamat mahal kong kapatid,
Tandaan mong ang pagmamahal ko sayo'y walang patid.
Wala ka man sa aking tabi,
Nandito ka naman sa aking puso at laging nakakubli.Paalam, aking kapatid.
By:
Fiorebelle 😘~~~
A/N: Entry ko nung sumali ako sa #PoemMaking sa WA(RWE) group ❤ Di nga lang pinalad hahahaha
YOU ARE READING
Hugot Poetry
PoetryCompilation of heart expressions~ ----- Hi guys! This book is a collection of poetries made by my friends and of course, yours truly. If you wanna share your own poetry, you can message me here to published it on my book. You only just have to foll...