8. Napapagod ka na ba?

248 3 0
                                    

Napapagod ka na ba?
Mahal napapagod ka na ba?
Napapagod sa bawat problemang dumarating
na wala ka ng lakas upang ito'y harapin

Hindi mo na ba kaya?
Hindi mo na ba kaya yung mga masasakit na salita
na sa bawat bagay na ginagawa
tanging pagkakamali ang nakikita.

Sumusuko ka na ba?
Sumusuko na sa lahat
Kasi wala ka ng sagot sa mga problemang mabibigat

Napapagod ka na ba?
Napapagod sa buhay na paulit ulit
na sa dami ng taong nasa paligid
ay wala ka man lng makapitan ng mahigpit..

Mahal nandito ako
Nandito para sayo

Sasamahan ka sa lahat ng problemang dumating
Magtiwala ka lng
At bumalik sa akin

Nais kong malaman mo
Nais ko malaman mo
na hindi ako mapapagod
Hindi mapapagod na tanggapin ka ng paulit-ulit
At handa kang yakapin ng sobrang higpit..

Dahil mahal sa oras ng pangangailangan
Ako ay iyong maaasahan

Para san pa ang aking pagsasakripisyo?
Kung ikaw sa akin ay lumayo.

Mahal muli kang umawit at manalangin
Ibalik ang iyong dating pagtingin
Hayaan mong pagliyabin ko yang puso mo ng pagmamahal ko
At punuin yang isip mo ng mga salita ko.

Tutulungan kita
Huwag kang mag-alala

Basta muli kang lumapit at tawagin ang pangalan ko
At muli mong buksan yang puso mo

Mahal muli nating simulan
Ang panghabang buhay na pagiibigan.
Bukas ang aking mga kamay
Upang tulungan ka sa pagbabago ng iyong buhay.

Mahal mapapagod ka pa ba?

By:
Dianne P.

Hugot PoetryWhere stories live. Discover now