Ginawa ko ang lahat para malimutan ka,
Pero sa tuwing isasara ko ang aking mga mata,
Ikaw pa rin ang aking nakikita.Kaya't tinanggap ko ang katotohanan,
Na ikaw pa rin ang nananahan,
Sa puso kong ilang beses mo na ring nasaktan.Isang araw ay hinawakan mo ang aking kamay,
At ang ngiti mo'y muling sumilay.
Subalit ikaw ay saki'y biglang nawalay.Nagising ako ng may luhang umaagos sa aking pisngi,
Akala ko'y natupad na ang pagkakataong sa aki'y muling magpapangiti.
Ngunit ako pala'y nagkamali,
Sa isang senaryong akala ko'y ikaw ay nagbalik ng muli,
Iyon pala'y panaginip lamang sa huli.By:
Fiorebelle ❤
YOU ARE READING
Hugot Poetry
PoesíaCompilation of heart expressions~ ----- Hi guys! This book is a collection of poetries made by my friends and of course, yours truly. If you wanna share your own poetry, you can message me here to published it on my book. You only just have to foll...