9. Lihim

208 2 0
                                    

Ang pag-ibig ay sadyang mapaglaro.
Nahulog ako sa isang konsepto,
Na kung saan ako ang talo.
Ako, na palihim na na-fall sayo.

Alam kong isa kong hangal,
Para umasang lilingon ka rin sakin kahit, isa lang.
Pero alam naman nating kahit kailan ay hindi babagal,
Ang mundo mo sa isang katulad kong palihim na nagmamahal.

Una palang alam ko ng hindi ako mapagbibigyan,
Sa napaka-imposible kong kahilingan.
Dahil alam kong ang mga ngiti mo ay sakanya lamang nakalaan.
Kaya ito ako ngayon, palihim na nasasaktan.

Sana man lang ay may dalawa kong option.
Kaso isa lang talaga ang dapat kong gawin ngayon.
Yun ay habang nasa kanya ang buo mong atensiyon,
Ako naman ay palihim na nagmomove-on.

By: Fiorebelle ♡
Crdts: vjoshuaramirez (twitter)

~~~

Siya po nagpost ng palihim concept, ginawan ko lang ng hugot poetry hahahaha 😂💖

Hugot PoetryWhere stories live. Discover now