(A/N: Reverse Poetry po siya. So pag tapos niyo na basahin hanggang dulo, babalik kayo pataas. Just watched the video sa taas kung di pa rin niyo po magets 😂😘 -missclaude🌸)
---
Tapos na.
Hindi mo na kailangan pang lumaban.
Dahil sa totoo lang
Huli na ang lahat
Kapatid, nagkakamali ka kung iniisip mong
May pag-asa
Sa puso mong
Nilikha ng pagdududa
Huwag mong hayaang manaig ang
Pag-ibig, dahil kasinungalingan lamang yun
Higit ang kasamaan kaysa sa kabutihan ng
Puso. Kaya't ibasura mo na ang paniniwalang
Ang Diyos ay may
Plano para sa mundo. Dahil alam nating.
Ikaw ang isa sa kanyang pinakamatinding
Pagkakamali
Na ang mga panlalait ng kaaway ay
Tunay
Na mas dapat pakinggan
Tandaang ang mga sinabi ng Diyos ay ang balita
Na puro lamang kabulaanan
Huwag kang maniwala sa salita
Dahil ang mundo ay may ibang mensahe
Totoo ang sinasabi nila
Hindi
Ka Niya
Mahal
Maniwala ka
Sa mundo
Huwag mong hayaang mabulag ka
Sa kasinungalingan
Kaibigan, hindi ka nabubuhay
Dahil sa pag-ibig
Ang lahat ng mayroon ka ngayon ay
Bunga lamang ng iyong mga desisyon
Hindi totoong ang tagumpay mo ay
Dahil sa sakripisyo Niya
Dahil sa mga sugat Niya
Dahil sa paghihirap Niya
Tapos na ang usapan
Huwag na nating lokohin ang mga sarili natinIto ang mga pinaglalaban ko dati pero
Biglang bumaligtad ang lahat
Nang maintindihan ko itoNamatay at nabuhay Siya
Para sakinBy:
Brian Vee ❤
YOU ARE READING
Hugot Poetry
PoetryCompilation of heart expressions~ ----- Hi guys! This book is a collection of poetries made by my friends and of course, yours truly. If you wanna share your own poetry, you can message me here to published it on my book. You only just have to foll...