Ang lahat ng tao ay isinilang na malaya at may karapatan.
Pero teka lang juan, huwag kang magbulag-bulagan,
Tignan mo ang iyong kapaligiran,
Iyan ba ang sinasabing malaya at may karapatan?Ang lahat ng tao ay may karapatang mabuhay.
Subalit dala ng kapusukan, ay kapalit ng aking karapatan na masilayan ang mundong dapat kong tirahan,
Ngayo'y isang mundong kailangan ko ng iwan.
Hindi ko man mabigkas ay nais kong sabihing,
Ako ay tao rin.Ang lahat ng tao ay may karapatang matuto.
Pero bakit tila ang mga taong edukado ang sila pang nangyuyurak sa pagkatao,
Nang mga mamamayang walang ibang ginawa,
Kung hindi ang lumaban sa mundong walang pang-unawa,
Sa mga taong katulad kong hindi alam ang mga letra.
Kaya't hindi ko man masulat ay nais kong sabihing,
Ako ay tao rin.Ang lahat ng tao ay may karapatang makapagtrabaho ng may tamang pagtrato.
Kaya't ako ay dumayo sa bansang hindi ko kabisado,
Dala ang pag-asang kami ay makakaahon sa hirap ng buhay, ngunit iba ang aking natamo.
Mga sipa at suntok na aking sinalo, kapalit ng pag-asang pinanghahawakan ko.
Ngayo'y buhay ko na ang naging kapalit nito.
Kaya't kahit ako ay wala na ay nais kong sabihing,
Ako ay tao rin.Ang lahat ng tao ay may karapatang ipaglaban ang sariling kalayaan.
Ngunit bakit ako ay nasa likod ng mga rehas na ito, kahit na ako ay wala namang kasalanan.
Ako lamang ay naakusahan ng mga mayayamang pera ang batayan,
Sa hustisyang kailanman ay hindi ko na mararanasan.
Pero, Ako ay tao rin.Ang lahat ng tao ay may karapatan ngunit bakit tila hindi ko maramdaman,
Ang kalayaan at karapatang dapat kong nararanasan.
Oras na nga para lumaban sa mga taong lingid sa kanilang kaalaman,
na Tayo ay tao rin.By: Fiorebelle ♡
~~~
So ayun nga kakasabi ko lang na I'll do my best na gumawa ulit and here it is! I hoped you like it. Hahahaha. I love you all! 💕✨

YOU ARE READING
Hugot Poetry
PoesíaCompilation of heart expressions~ ----- Hi guys! This book is a collection of poetries made by my friends and of course, yours truly. If you wanna share your own poetry, you can message me here to published it on my book. You only just have to foll...