Hershey's POVMAG-AALARM palang ung alarm clock ko, naunahan ko na, panu di naman akomasyadong nakatulog dahil sa naganap kagabi.
Hanggang ngayon sa tuwing naiisip ko namumula parin ung muka ko.Well, kailangan na din bumangon at maghanda.
"excited ka lang kamo makita si Jeff!"- si tiny voice na intregera.
"Tss!"- ako na pabulong,
Lumabas nako ng kwarto, at halatang anjan na ang ate ko at tulog.
May iniwan pang note sa ref,"May pagkain na jan sa mesa, And may lulutuin na jan sa ref, Ikaw na bahala!, nagiwan din ako ng 500php jan sa taas ng ref alam kong short ka na sa allowance mo"- sabi sa note sa ref.
Haist buti nalang at nagka-budget na din.
Agad akong pumasok sa banyo at naghilamos, naghanda nako ng babaunin ko at naligo na.
Matapos maligo ay kumain na ako at naghanda."Sabi nya same time?, asan na un?"- sabi ko ng napansin kong wala pa si jeff sa napagkasunduang oras namin.
Kinuha ko ang cellphone ko at nagtxt sa kanya, pero walang reply.
sinubukan ko syang tawagan ng ilang ulit di sinasagot."Siguro busy lang,"- sabi ko.
Ayoko na syang kulitin baka sabihin pa jung unggoy na yun na napaka-kapal ng muka ko.
Buti nalang binigyan ako ni ate ng pera.Lumabas nako para mag-abang ng jeep.
Ilang jeep na ang dumaan pero di parin ako sumasakay.
"iniintay mo parin sya noh!?"- si tiny voice ulit ,nangaasar.
Sa totoo lang oo, umaasa parin akong may bubusina at makikita ko sya.
"Hmpf, magkikita naman kami sa opisina!"- sabi ko nalang at sumakay na ng jeep.
******************
Jeff's POV
"Wah!!," - sigaw ko pagkabangon ko at pagtingin ko ng relo, mag aalas dose na!
panu naman kasi naubos ko ung kalahating case ng beer na nasa mini fridge ko..
Bakit ba kasi di mawala sa isip ko ung nagyari kagabi?, haist ewan!Dumirecho nako sa banyo para maligo at makapagbihis, di ko na ginawa ang matagal na pagtitig sa salamin, kung anu nalang ang mahablot ko sa closet un nalang.
Agad akong sumakay ng kotse ko at agad na umalis.
"Baka kanina pa sya nagiintay!Sh*t!,Kasalanan nya rin to e!"- sabi ko habang nagmamaneho at maiipit sa traffic.
"Nako naman tong araw na to, pati cellphone ko naiwan ko sa pagmamadali!"- sabi ko pa
SAKTO naman na pagdaan ko sa bahay nila ng makita ko si Hershey na pasakay ng jeep.
Agad akong pumreno, pero naka sanggi ako ng nagbibisekleta."What a nice day!"- sabi ko sabay napa face-palm ng dalawang kamay.
Bumaba ako ng sasakyan, at tinulungan ko ung lalaking nasemplang dahil sakin.
Nagkasugat sya ng maliit pero naggiit lang magpadala sa ospital, pinasakay ko na sya at dinala sa malapit na clinic.
Binayaran ko na ung nagastos sa sugat ng lakaking un.Buti nalang di pag nagdeman ng kung anu.
Agad akong umalis sa clinic para makahabol sa opisina,nagtxt nakong malalate ng biglang...
*Proooooot.
YOU ARE READING
1-800-143-LOVE
Romancethey say that, your spend more than 60% of your time at work than at home.. as per a call center agents.. we spend the other 40% SLEEPING.. BUT... panu pa kaya ang lovelife.. they always promote balance living. anu pag call center agent bawal un? l...