CHAPTER 7 - 5 MINS

185 13 5
                                    

Hershey's POV

MEDYO late na, at eto ako gising padin, di ako makatulog kakatitig sa bulalak na binigay ni jeff sakin.
Nakailang buntong hinanga nadin ako pero di ko mapigil ang ngiti ko.
Iniisip ko padin kung pano nya ako yakapin kanina lang at ung nadama ko na hanggang ngayun di mawala sakin.

"Mahal ko na ba sya?,eto na ba ung pag-ibig?"- sabi ko sa sarili ko.

Pero ambilis naman ata?Sabagay di ko pa naman nararanasan to.Ang saya pala.

Biglang sumagi sakin ang ate ko,

Bukod sa namimiss ko sya, naalala ko kung panu sya nasaktan ng maghiwalay sila ni Jerson.

*flashback*

Hershey's POV.

Papasok nako ng bahay galing sa school ng makasalubong ko si Kuya Jerson na papalabas ng bahay na mukang lungkot na lungkot.

"Anu nang-yari dun?"-sabi ko pagpasok ko ng bahay, di ko agad napansin ang ate ko na nasa kusina.

Walang umimik sakin.

Pinuntahan ko sya sa kusina ng makita kong Umiiyak ng umiiyak ang ate ko.
nilapitan ko sya.

"Ate ? anung nangyari?,bakit ka umiiyak?"- sabi ko paglapit ko sa kanya.

"Wala na kami, Niloko nya ko, May anak na sya at may kinakasama na syang ibang babae, matagal na!"- ate umiiyak padin na nakatingin sakin.

Di ko alam ang gagawin ko ng mga oras na yun. yumakap nalang ako kay ate at pinilot syang patahanin.

"Ang tanga - tanga ko!"- ate tuloy parin sa pagiyak na paulit ulit sinasabi yan.

.
.
.

Nang kumalma si ate.

"Wag na wag kang maniniwala basta-basta sa mga lalaki, alam mo lahat sila manloloko!, sasabihan ka lang nila ng magagandang bagay, o ipaparamdam sayu na importante ka tapos iiwan ka din."- sabi sakin ni ate na parang walang nagyari.

Alam kong pinapakita nya lang sakin na wala na sa kanya yun, kahit alam ko kung gaano nya kamahal si kuya Jerson,
Pilit parin nyang pinapakita na malakas sya at di na apektado.

Lumipas ang mga araw, madalas kong naririnig si ate sa kwarto nyang umiiyak.
Labis syang nasaktan sa mga naganap, wala man akong gaanong alam sa nangyari dahil sa tuwing tatanungin ko ang mga detalye, paramg hangin lang ang tanong ko at di pinapansin ng ate ko.

Alam ko gaano kabigat ang dinadala ng ate ko. Panu ba naman instant nanay/tatay ang naging papel nya.

Lumipas pa ang mga araw na parang hindi ko na kilala ang ate ko, Nawala na ung siglang lagi kong hinahangaan sa kanya, parang wala na syang pakialam sa mundo.

"Hinding - hindi ako magmamahal!," sabi ko sa sarili ko.

**end of flashback**

Medyo nalungkot ako na naalala ko.

Playboy si Jeff, halata naman e. Pero di ko man sigurado nararamdaman ko ,Kung anu man tong nararamdaman ko sa kanya, pinapasaya ako.

"Di naman siguro masamang sumaya di ba?"- bulong ko sa sarili ko.

"Kung di naman nya malalaman, wala naman sigurong masamang mangyayari?"- sabi ko pa.

Nakatulog nako na yakap yakap ung bulaklak na bigay ni jeff.

1-800-143-LOVEWhere stories live. Discover now