Nagsimula kami sa pagiging magkaibigan,Hanggang naging matalik ang aming samahan.
Alam kong hanggang kaibigan lang ang tingin nya saakin,
Kaya aking nararamdaman, tingin ko'y dapat ko nang itigil.
May nararamdaman na ako sakanya,
O dapat ko bang sabihing mahal ko na sya?
Mahal. Napamahal ako sa aking kaibigan.
Napamahal ako sakanya, kahit iyon lamang ang aming turingan
Kung aking nararamdaman ay dapat ng pigilan,
Siguro ang aming pagkakaibigan ay dapat na ring wakasan
Dahil alam kong hahantong lang naman ang lahat doon,
Kapag nalaman nya ang tunay na nararamdaman ko.
Baka nga ay umiwas pa sya, baka nga mailang na syang ako'y kausapin pa,
Kapag kami'y nagkaharapan, kapag kami'y nagkausap
tungkol sa aking tunay na parusa, ang magmahal sakanya
Na higit pa sa salitang ' kaibigan '
Mabuti ng tapusin, dapat ng madaliin.
Para sakit ay madaling makalimutan,
At nararamdaman ay mapadali ang katapusan.
BINABASA MO ANG
Constelasyon ng isipan
PoetryLaman ng aming isipan, Aming bibigyang laman. Mga emosyong hindi napahalagahan Aming gagawan, isang tula ng nasaktan