Husga

7 0 0
                                    

Noong kayo'y nangunguna
Ako'y palaging iniitsapwera
Kapag ako'y nagsasalita,
Palaging na lang binabalewala

May isip rin ako,
May nararamdaman rin ako.
Hindi nyo man lang ba naiisip?
Na nasasaktan rin ako?

Isang araw, nagaral na rin ako.
Hindi ko inasahang, matalo ang isang tulad nyo
Nagbulong bulungan kayo, sinubukang mag reklamo.
Hindi matanggap, ang isang pagkatalo.

Asan na ang mga salitang binitawan nyo
Sa isang mangmang na katulad ko?
Nasan na ang nga pinagsasabi nyo, na ako ang pinaka tangang tao?

Sinubukan nyong humingi ng tawad
Akala nyo ba makakalimutan ko iyon lahat lahat?

Salamat na lang sa panghuhusga, salamat na lang sa sugat..

Constelasyon ng isipanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon