Pagod

4 0 0
                                    

Pagod na ako
Pagod kakaintindi saiyo.
Bakit ang manhid mo?
Bakit ang torpe-torpe mo?!

Ang gandang murahin ka,
Ang gandang saktan ka,
Pero hindi ko magawa,
Alam mo kung bakit? Kasi mahal kita!

Mahal na mahal.
Pagmamahal na walang katumbas,
Pagmamahal na hindi uupas,
Pagmamahal na saiyo ko lang pinapadama.

Kahit pagod na ako,
Nagagawa ko pa ring ngumiti dahil saiyo,
Nagagawa ko pa ring humalakhak dahil sabi mo,
Pero, masaya pa ba nga ako? O napipilitan na lamang ako?

Bakit kasi ganyan ka?
Bakit hindi mo napapansin na ito ako, napapagod na.
Gusto ko na ring sumuko,
Gustong-gusto.

Pero,hindi ko magawa,
Sa tuwing makikita ko ang iyong mga mata,
Mga matang nagsasabi ng mga katagang "kapit pa",
Mga matang, nahulog ang aking loob.

Kaya ko pa ba?
Pagod na talaga ako.
Iparamdam mo naman saakin na kahit pagod na ako, hindi pa ito ang katapusan.
Hindi pa ito ang hangganan ng ating relasyon.

Constelasyon ng isipanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon