Ama

1 0 0
                                    

Ama,
Haligi ng Tahanan,
Ang taong kaya kang protektahan,
Ang taong hari ng tahanan.

Pero hindi.
Pinabayaan mo rin ako.
Ni wala kang ginawa,
Ng nasasaktan ako.

Nakatingin ka lang saakin,
Nung ako'y umakyat sa entablado para kunin ang aking diploma,

Ni hindi mo man lang ako ningitian,
Ni hindi mo man lang ako tinanguan.

Ang sakit,
Wala na nga akong Nanay,
Wala pang Tatay.
Ang sakit sakit.

Pero nasanay na ako,
Nasanay na nag iisa lang ako.
Na wala akong masasaahan na tao.
Na walang dadamay kapag nangangailangan ako.

Lumaki ako na magisa,
Na walang kasama.
Na walang kaibigan.
Na walang nasasandalan.

Hindi mo ako masisi kung puso ko'y bato na.
Dahil kayo mismo nito ang gumawa, puso kong wala na ring awa.
Kayo mismo ang nanakit sa puso ko.
Kung sino pa ang naturingang 'pamilya' ko.

Constelasyon ng isipanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon