Ina

1 0 0
                                    

Ina,
Naturingang ilaw ng tahanan.
Ina,
Salitang walang kwenta.

Hindi ka karapat dapat na tawagin sa salitang iyon,
Pagkat ni minsan hindi ka naging ganoon.
Ni minsan, hindi mo iyon pinaramdam saakin.
Na meron pa pala akong ina, ina na magmamahal saakin.

Wala ka noong nagsalita ako,
Noong lumaki ako,
Noong nagmahal ako,
Noong nasaktan ako.

Wala ka sa malaking parte ng buhay ko,
Nagkulang ka sa buhay ko.
nagkulang ka na kilalanin ako.
Nagkulang ka sa lahat ng yon.

Gusto kitang sumabatan!
Gustong gusto kitang sigawan.
At sabihin ang lahat ng pagkukulang mo.
Sabihin ang lahat ng pagkakamali mo.

Bakit bumalik ka pa?
Bumalik ka kung kailan masaya na ako.
Siguro, nakonsensya ka na.
Nakonsensya sa lahat ng iyong ginawa. Sa iyong pagabandona.

Ayos na ako.
Pwede ka ng umalis sa piling ko.
Pero hindi dahil alam ko,
Gustong gusto pa kitang makasama, aking ina.

Buong buhay ko,
Lagi akong naiinggit sa mga kaklase ko,
Pagkat sila may Nanay, at ako?
Ako lang ang nagpapahalaga sa sarili ko.

Dahil sanay na ako.

Sanay na ako na laging iniiwan.

Pero sana, iyo ring patunayan

Na kahit ika'y nagkulang, ika'y aking ina pa rin magpakailanman

Yun lang naman ang gusto ko,
Na kahit sa konting segundo ng buhay ko,
Maramdaman ko,
Na may nanay pa rin pala ako.

Constelasyon ng isipanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon