6:00pm when she arrived at the airport. May sumundo sakanyang driver at ipinaliwang nito na siya ang inutusan na magsundo sakanya. Agad siyang lumulan sa Magarang Kotse na dala nito sabay ng kanyang maleta at Bag. Nagsimula na silang bumyahe." Manong, ikaw po ba ang resident driver ng Hotel? "
" Hindi po Ma'am. Napag utusan lang po ako ni Boss. May ibang sinundo po kasi ang resident driver kaya ako nalang ang sumundo sa inyo dito. "
" Sinong Boss? Yung Manager? "
" Hindi po. Personal driver po ako ng May-ari ng Hotel Imperial. "
" ganun po ba, sino po ba ang Boss niyo? Pwede ko ba siya ma meet in person para makapagsalamatan ko po siya. "
" ayy... Busy po siyang tao Ma'am, maraming inasikaso. "
" ganun po ba, pwd ko ba malaman pangalan niya? "
Biglang inihinto ng driver ang sasakyan. Nasa parking lot na pala sila ng Hotel, di niya man lang namalayan. 😑
" andito na po tayo. "
Ito ang nagdala ng kanyang mga gamit sa loob at iniwan siya sa may reception area.
" Ms. Sanchez ? "
Napalingon siya sa kanyang tagiliran at nakita niya dito ang isang chinitong lalaki na naka business suit. Malapad ang ngiti nito sakanya at may mga kasama itong mga empleyado.
" Yes? Ako nga. "Inilahad nito ang palad sakanya, at agad niya naman itong tinanggap.
" I'm Luis Chieng. Manager of this Hotel. But you can call me nalang, Mr. Chieng. Ako pala yung tumawag sayo kahapon to inform you about this Prize for you. "
Grabe ang lambot naman ng palad niya, parang babae.. Plus, ang Pogi niya, super! 😅😱😳
" Ganun ba. Nice to meet you." Aniya saka marahang ngumiti.
" so, kanina ka pa ba dito? "
" no. Kakarating ko lang, sinundo ako nung driver ng boss niyo. "
" Ah, i see. So... I think gusto mo ng magpahenga. Ihatid na kita sa magiging room mo. "
Tumango lang siya dito at agad namang kinuha nung mga empleyado ang mga gamit niya.
Nang makarating na sila sa kanyang magiging silid ay nagpaalam na ang mga ito sa kanya. Iginala niya ang kanyang mga paningin sa buong silid at sobra siyang namangha.
" wow!!! Antique ang theme ng kwarto.. Ang unique ng mga design, siguro unique din ang may ari ng Gusaling ito. 😅 sana ma meet ko siya in person. " sambit niya saka humega sa kama.
BINABASA MO ANG
" Meeting My Ex Again "
RomansaPag Ex, diba wala na yan? Dapat wala kanang feelings dyan, wla na lahat. Pero ang iba dyan, ang hirap maka move on, kahit lumipas pa ang ilang taon, nanatili parin ito sa mga puso nila. Bakit kaya? Siguro, mahirap lang talaga makalimutan ang taong h...