1week nalang at matatapos na ang kontrata ni Jane sa pamamalagi niya sa Hotel. Masaya naman siya dito, satisfied siya sa services at pag aasikaso sa kanya. But parang may kulang sakanya, may gusto siyang makita.Ilang katok ang narinig niya sa may pintuan. Dali niyang binuksan ang pinto at nakita niya dito ang isang lalaking naka business suit, may maskara ito sa mukha at may dalang pinggan na may nakapatong na isang Garnished Apple na hugis puso.
" Mr. Chieng? Ikaw ba yan? Ano namang pakulo 'to? "
Nag aalangang ngumiti siya dito." araay naman... Siya nalang ang lagi mong naaalala ha. 😩 "
Napakunot-noo siya at parang pamilyar sakanya ang boses. Dito niya napagtanto na hindi ito si Mr. Chieng kaya naguguluhan na siya kung sino itong kaharap niya ngayon.
" Pasensya, siya lang kasi ang pamilyar sa akin. Sino ka ba? "
" Hindi ba familiar sayo ang boses ko? "
Nag isip siya ng mabuti, hanggang maalala niya ang isang taong maaaring nagmamay ari ng boses na yun.
" Pwede ko ba tanggalin ang maskara mo? "
" Tanggapin mo muna itong Dala ko para sayo. Ako pala gumawa niyan, mahilig kasi ako mag garnish pati na rin ang mag luto. Next time ipagluluto kita, ng paborito mong Adobo shrimp. " anito saka inabot sakanya ang platito.
She's wondering, bakit alam ng taong 'to ang paboritong pagkain niya na malimit itong iniluluto ni EX para sakanya noon.
" Alam mo, bakit mo ako kilala?? Stalker ka ba? " naiinis na siya dito.
Inilapag nito ang platito sa mesa.
" You really don't know me? I am part of your life, jane. "
" Can you please take off your mask? ? "
" Do it. "
Humakbang siya papalapit dito at dahan dahang tinanggal ang mask nito. Nanginig ang mga kamay niyang hawak hawak anang maskara at di sinasadyang mabitawan ito. She was so shocked , she meet her Ex again.
" M-Mark..... P-panung nangyaring nandito ka? Bakit mo alam na andito ako? Bakit ganyan ang ayos mo? Ano kaba dito sa Hotel? " sunod sunod niyang tanong dito .
" First of all, I am the Boss. Ako ang may ari ng Hotel Imperial. Hindi ko alam na ikaw pala ang nanalo sa raffle promo namin, hindi ko na kasi inalam yun,Si Luis lang kasi ang in-charge sa mga bagay na yan. I didn't expect na sa dinami-daming sumali sa raffle, ikaw yung nanalo. I don't know, di ko alam ang purpose ng tadhana kung bakit tayo pinagtagpo ulit, at ito pa ang naging daan para magkita tayu ulit, jane. But, after all, I'm thankful to meet you again. "
Nakaramdam siya ng pagka-ilang, hindi niya ito matingnan ng diretso sa mata. Nagbalik ulit sa kanyang alaala ang pang-iiwan nito sa kanya sa ere. Labis siyang nasaktan dahil dun, ngunit pilit niya namang inintindi ang rason kung bakit kinakailangan siyang iwan nito. Ngayon, kita niya na ang tagumpay ng binata sa career nito, atlast, nakamit din nito ang pinapangarap sa buhay. Masaya siya para dito, siguro tama nga ang naging desisyon nitong iwan siya noon para sa priority nito sa buhay na mas higit na importante kaysa sakanya.
About her feelings towards him, hindi naman ito nawala kahit kailan. Nagkaroon ulit siya ng nobyo two years ago ngunit naghiwalay din sila nito, nasa kanya kasi ang diperensya, kahit may nobyo na siya, hindi mawaglit sa puso at isip niya si Mark, ang lalaking unang at higit na minahal. Kahit pa siguro magkaroon siya ng nobyo ng ilang beses, hindi pa rin mapapalitan ng mga ito si Mark sa buhay niya. Si Mark ay si Mark ! Kasalanan niya ba yun kung ito ang totoong nararamdaman niya? 😩
" Coincidence lang siguro ang lahat, gayun pa man, na surprise ako at.... Thankful din ako na makita ka ulit. Ahmmm.... Salamat pala dito sa pagka panalo ko, worth it naman ang lahat. 😐 Ang ganda ng accomplishments mo sa buhay, well,now... May chance na akong sabihin sayo na, I'm so proud of you, of what you are now. Di ka siguro nagsisisi sa pang iiwan mo sa akin noon, ito rin naman ang naging bunga ey 😐. " matipid siyang ngumiti dito. Akmang tatalikod na sana siya ng hawakan nito ang kanyang mga kamay .
" jane... About our past... "
" wala na tayong dapat pag usapan pa. Past na nga diba? "
" but, i want to say sorry for hurting you that time, napatawad mo na ba ako? " nangungusap ang mga nitong nakatitig sa kanya .
" Oo... Matagal na. Kinalimutan ko na ang lahat lahat. " She lied. Gusto niya sanang sabihin dito ang totoo ngunit wala siyang sapat na courage para gawin ito.
Panu kung hindi niua na pala ako mahal,after all?? Maraming taon na ang lumipas at baka kasabay nito ang paglipas ng pagmamahal niya sa akin. O baka, may ibang babae nang itinitibok ang puso niya?? Kawawa na naman ako nito? Uuwing luhaan na naman ako? Siguro it's enough to love him secretly, nang hindi niya alam, yung ako at si God lang ang nakaka alam. Masaya na ako dun. 😐
BINABASA MO ANG
" Meeting My Ex Again "
RomantizmPag Ex, diba wala na yan? Dapat wala kanang feelings dyan, wla na lahat. Pero ang iba dyan, ang hirap maka move on, kahit lumipas pa ang ilang taon, nanatili parin ito sa mga puso nila. Bakit kaya? Siguro, mahirap lang talaga makalimutan ang taong h...