THE MAN FROM YESTERDAY
Introduction:
Jameica Ledesma, that's me. Though, most people call me 'Jame'. Something about me? Hmm, well, I'm the type of person who always wants to live in fairy tale but never believes in happy ending. Does it sounds so ironic? If you think so, so am I. Ahahaha.
Before I start this story of mine, let me leave you with a quote that's always been one of my principles in life.
"If a mirror got broken, just throw it in the trash and buy another one to replace it."
If you're going to ask me why, my answer is so simple. Ehem! What's the use to put a broken mirror together if whenever you look at yourself on it, you see a cracked reflection? Or what's the purpose of having a piece of broken mirror if you could have a new one without the worry of getting hurt with the uneven edge of the broken one?
If you can't get the sense of it, then, just read my story.
PROLOGUE
Patamad na tumayo ako nang marinig ko ang flight ko. Dala-dala ang shoulder bag ko, sumabay ako sa maraming tao papunta sa eroplanong sasakyan ko. Dinala ko sa ulo ko ang suot kong sunglasses at walang pagmamadali na naglakad.
It's 3:18 p.m. now, in Berlin's time. Yeah right, I'm in Germany right now. Though, I'm leaving in just a matter of minutes later.
Agad akong naupo sa assigned seat ko nang makapasok ako sa eroplano. Lihim kong naipagpasalamat na sa tabi ng bintana ang nakuha kong upuan. At nang mapatingin ako sa ilang pasahero, lalo kong naipagpasalamat na wala akong kinailangang dalhin sa mga dala-dala ko---except my shoulder bag---na kailangan pang ilagay sa overhead compartment ng eroplano.
Matapos kong tingnan ang ilang pasahero na hindi malaman kung paano aayusin ang mga gamit nila sa overhead compartment ay ibinaba ko ang sunglasses ko. Kinabit ko na rin ang seatbelt ko saka lumingon sa bintana sa tabi ko, handa na anumang oras na mag-take off ang eroplano.
Hindi ko na pinagkaabalahang lingunin pa ang katabi ko nang maramdaman ko na may naupo na sa tabi ko. I'm already in a deep thought, thinking about the reason why I need to be in this flight.
CHAPTER ONE
... Summer 2013 ...
"Hurry up, Jame!"
Nagmamadali akong bumaba sa hagdan nang marinig ko ang best friend ko. "Ito na nga, oh!" Sigaw ko.
"Ang tagal mo naman." Nakasimangot na bungad sa'kin ni Jane---short for Janette.
"Nandito na 'ko kaya useless nang magreklamo ka."
Mas lalong sumama ang hitsura niya. "May bago ba?" Tinalikuran niya 'ko palabas ng bahay namin. "Halika ka na at baka hindi pa natin abutan ang mga maglalaro ngayon."
Hindi na 'ko sumagot at sumunod na lang sa kanya. "Manang, pakisabi na lang kay mommy nasa court ako." Sigaw ko bago tuluyang lumabas ng bahay. Wala pa kasi ang mommy ko at baka late na akong makauwi mula sa panunuod sa court ng village namin.
Kinuha ko ang bike ko sa grahe bago lumabas sa gate ng bahay namin. Usapan kasi namin ni Jane ay magba-bike kami papunta sa court ng village para makarating kami agad at makakuha ng magandang pwesto.
Habang papunta kami ni Jane sa court ay panay ang litanya niya sa'kin dahil sa pagiging makupad ko. Kesyo baka wala na raw kaming mapwestuhan. Kesyo baka nagsisimula na ang laro. At kung anu-ano pa na dinidedma ko lang. Haay. Expected ko na na ganito ang mangyayari.