CHAPTER THIRTY
Palakad-lakad ako habang kagat ang ibabang labi ko at hinihintay na sumagot si Nathan sa tawag ko.
"Ano sumagot na ba?" Zeph asked casually.
"Not yet." Pangatlong beses ko nang tinatawagan si Nathan pero patuloy lang sa pagri-ring ang phone nito. "Call or text the other members, baka kasama nila si Nathan." Patuloy pa rin ako sa pabalik-balik na paglalakad habang kinakausap si Zeph.
"Gino, kasama mo ba si Nate?"
Tumigil ako sa paglalakad at nilingon si Zeph habang hinihintay pa rin na sumagot si Nathan sa tawag ko.
"What?! Nasisiraan na ba kayo? Bumalik kayo rito!"
Sa pagsigaw ni Zeph ay hindi ko maiwasang makaramdam ng matinding kaba. May hinalang gustong sumiksik sa utak ko pero pinilit kong balewalain 'yon.
"Fuck, Gino! Tell Nate to go back here! I could kill him for this!" Nag-echo sa buong studio ang malakas na boses ni Zeph na kulang na lang ay mabasag ang mga salamin.
Nang matapos ang pagri-ring ng phone ni Nathan ay sinubukan kong tawagan si Jane pero pinatayan ako nito ng phone.
"Damn it!" Napapitlag ako sa muling pagsigaw ni Zeph.
"Anong sabi ni Gino?"
"Pinagplanuhan nila na iwan tayo rito! Makakatikim talaga ng sapok sa'kin ang baklang 'yon! Puro siya kalokohan." Iniwan ako ni Zeph na nakatayo sa gitna ng main studio para pumunta sa isang sulok kung nasaan ang water dispenser.
"Paano na 'yan? Babalik daw ba sila bukas? Wala naman kasing practice bukas." Jusme! Sana naman bumalik sila bukas dahil siguradong hindi ko kakayanin na makasama ng lampas sa 24 oras si Zeph. At isa pa, WALA NAMAN KAMING MAKAKAIN DITO!
"Wala siyang sinabi sa'kin," Sagot niya pagkainom matapos ubusin ang nasa disposable glass na tubig.
I sigh. At least kahit papaano ay may tubig at mga disposable glass dito. Kaya ko naman siguro na puro tubig lang muna ang ilalaman ko sa tiyan ko, 'di ba? It's better than nothing, ika nga.
Nanlulumong naupo ako sa sahig. "Pinapatayan din ako ni Jane ng phone. Mukhang lahat sila ay pinagkaisahan tayo."
Hindi nagsalita si Zeph. Sa halip, lumakad siya patungo sa pader na malapit sa'kin. Naupo rin siya sahig at patamad na sumandal sa pader.
Hindi ko alam kung ilang minuto o baka nga oras na nakaupo lang kaming dalawa ni Zeph do'n, walang kibuan, walang tinginan.
Habang nakatitig ako sa cell phone ko ay naramdaman ko ang mahinang pagrereklamo ng tiyan ko. Lihim kong sinulyapan si Zeph. May pagkain kaya siya?
Nang makita kong gumalaw siya ay nag-iwas ako ng tingin. Hay! Ang hirap naman ng sitwasyon na 'to, oh!
Tumingin ako sa water dispenser. Pwede na sigurong pamatid-gutom ang tubig. Tatayo na sana ako para pumunta sa kinalalagyan ng water dispenser nang magsalita si Zeph.
"Gutom ka na ba?"
Naku! Kung alam mo lang, mamatay na nga yata ako sa gutom, eh. "Medyo, kaninang three pa kasi ang huling kain ko." Kibit-balikat na sagot ko. Nakakahiya naman kung sasabihin ko ang nasa isip ko, 'di ba?
Tumayo si Zeph at kinuha ang isang itim na backpack sa kabilang dulo ng full length mirror. Ngayon ko lang napansin 'yon.
"Kumakain ka naman nito, 'di ba?" Tanong niya habang naglalakad palapit sa'kin at inilabas ang isang puting kahon.
I frown. "What's that?"
"Chocolate loaf bread." Ibinigay niya ang kahon sa'kin at naupo sa tabi ko.