CHAPTER FIVE
Today is the day! Though, I'm not really excited. Mabigat ang mga paa na sumampa ako sa bangkang naka-assign sa group five---unfornately, 'yon ang nabunot ko.
"Hanggang dito ba naman sinusundan mo 'ko?"
Nanigas ako sa kinauupuan ko nang magsalita si Zeph na nasa dulo ng bangka. Ito na nga ba ang sinasabi ko, eh! "'Wag ka ngang assuming." Inis na sagot ko. Pinagsisisihan ko tuloy na wala akong dalang pagkain. Sa buong araw na makakasama ko ang bwisit na si Zeph ay siguradong gugutumin ako. Ugh! Kung bakit kasi hindi ko ka-group si Xei.
Habang papunta na sa unang lokasyon namin ang bangka ay ramdam na ramdam ko ang boredom. Wala naman kasi akong ka-close sa mga kasama ko. Napatingin ako sa bangkero at sa mga kagrupo ko. Dalawa lang kaming babae sa grupo at ang lima ay puro lalaki na.
Hmm. Tutal naman at nabo-bore na ako ay pagkakaabalahan ko na lang ang mga kasama ko. Dahil hindi ko naman sila ka-close lahat, mabuti na 'yong kilalanin ko sila sa pag-o-observe.
Nauna kong tiningnan 'yong pinakamalapit do'n sa bangkero. Hindi ko siya kaklase pero sa palagay ko ay makakasundo ko siya. Hindi siya makwento pero halatang nakakasabay siya sa kwento ng iba. Sunod kong tiningnan ang dalawang lalaking nasa bandang gilid ko. Ang isa ay kaklase ko at ang isa ay hindi. Tulad ko ay tahimik lang ang hindi ko classmate. 'Yong isa naman ay panay ang kwento sa nasa katapat niya. Well, 'yong katapat no'ng lalaking puro kwento ay 'yong SCA officer kanina sa bus.
"Baka naman langgamin kayo, Zeph."
Napadako ang tingin ko sa nagsalitang 'yon. Sa pagkakaalam ko ay player din siya ng basketball sa school. Kung hindi ako nagkakamali ay Anton ang pangalan niya. Sunod kong tiningnan ang mga tinutukoy ni Anton. Si Zeph at ang isa pang babae sa grupo namin. Tama si Anton. Lalanggamin nga sila. Panay sila tawa at hagikgikan sa 'di ko malamang dahilan. Naiiritang iniwas ko ang tingin ko sa kanila.
"Sa sobrang tamis ay nakakaumay." Bulong ko.
"Okay ka lang ba, Jame?"
Napatingin ako kay Zeph. Tinawag ba niya ako sa pangalan ko? So, kilala niya rin pala 'ko. "I'm fine." Sagot ko.
"Ah, akala ko kasi may sasabihin ka kaya ka nakatingin." He discreetly winked at me.
Ugh! I got caught.
"Jame? Siya 'yong isa ro'n sa mga kaibigan ng infamous na si Fritz, right?" Maarting tanong no'ng babaeng nakalingkis---I mean, nakakapit---sa braso ni Zeph.
"Ako nga. May problema ba ro'n?" 'Di ko napigilang isagot. Kung maka-infamous naman kasi siya parang naghahanap ng gulo, eh.
"Wala naman." Mas kumapit pa siya kay Zeph. "Transferee kasi ako at nakakatuwa na makilala ka. Marami kasi akong naririnig about sa'yo at sa mga kaibigan mo." Makahulugang sagot niya.
"I bet."
"Ikaw talaga, Ashley, ang dami mong sinasabi." Singit ni Anton na mukhang napansin din ang ini-imply ng sinabi no'ng nakalingkis kay Zeph. "By the way, I'm Anton. 'Wag mo na pansinin 'yang dalawang 'yan." Friendly na inilahad ni Anton ang kamay niya sa harap ko.
"Jame." I said, accepting his friendly approach.
*****
"May I have your attention, students?!"
Ang lahat ay natahimik nang magsalita si Mr. Cruz na isa sa mga prof na kasama namin. "We're here in this island for our first activity. Ang lahat ng activity para ngayong araw ay nangangailangan ng lakas. Kaya I hope maraming oras ang itinulog niyo at marami ang inalmusal niyo."