CHAPTER TWENTY
Pinatay ko agad ang ignition nang makapag-park na 'ko sa harap ng dance studio at lumabas na ng kotse ko.
Habang papalapit ako sa pinto ng studio ay hindi ko maiwasan na makaramdam ng tensyon. Hindi ko alam kung paranoia ko lang ang kaba ko pero feeling ko ay may hindi magandang mangyayari once na pumasok na 'ko sa studio.
Huminga ako ng malalim nang nasa harap na 'ko ng pinto bago itinulak pabukas ang glass door.
Pagpasok ko ng studio, inaasahan ko na ang mga nagkakagulong members ng Night Dance Crew---may mga nagtatalo kung ano ang mga gagamiting kanta para sa bawat prod number, may nagdidiskusyon kung sino ang mga magkakasama at may nag-uusap tungkol sa mga costume at concept ng buong performance. Pero wala, wala akong naabutan na nagkakagulo. Sa halip, tahimik ang lahat nang pumasok ako, ang lahat ay nakatingin sa direksyon ko.
Anong meron? Tanong ko sa isip ko. "Nasaan si Nathan?"
"Kanina ka pa hinihintay ro'n sa duo room." Sagot ni Jane.
Kagat ang ibabang labi na tumango ako. "Nasa kotse 'yong doughnuts." Dinukot ko sa bulsa ko ang susi ng kotse at hinagis 'yon kay Jane, fortunately, nasalo naman niya.
Mula sa main studio ay dumiretso ako sa kwarto kung saan kami nagpa-practice noon ni Zeph. And as expected, nando'n ang magpinsan.
"Am I late?" Bungad ko sa dalawa pagpasok ko.
Nathan looked at his watch. "Not really."
Iniwasan kong mapatingin kay Zeph habang lumalapit ako kay Nathan. "Ano bang kailangang pag-usapan sa meeting?"
Nathan shrugged. "Actually, napag-usapan na namin ang lahat tungkol sa launching bago ka dumating."
"Eh, ano pang ganap ko rito?"
Hindi siya agad sumagot at tiningnan ako na parang tinatantiya ang magiging reaksyon ko sa sasabihin niya.
Bakit mas lumalakas ang kaba ko?
"Ikaw ang may pinakaimportanting ganap kaya kita pinapunta after ng meeting." Seryosong sabi ni Nathan.
Uh-oh! This isn't sounds so good.
"Kasama ka ng grupo para sa intro at sa tatlo pang number." Pagpapatuloy niya.
Napangiti ako dahil nabawasan ang bigat na kanina ko pa nararamdaman. "Pabor sa'kin 'yon. 'Yon lang ba?"
"Hindi." Walang paligoy-ligoy na sagot niya. "Ikaw din ang para sa ending."
"Solo?" I frown.
"With Zeph."
What the hell! Again?!
I sigh. "Nathan, can we talk alone? Just the TWO of us."
"Nate, yosi lang ako." Zeph said from the corner of the room.
Salamat naman at marunong siyang umintindi.
"Nathan, I can't do the ending." Umpisa ko pagkalabas na pagkalabas ni Zeph.
"You can't do it or you DON'T WANT do it?" Nakapamaywang na tanong ni Nathan. Umaandar na naman ang 'pagtataray' tendency niya.
Tinaas ko ang dalawang kamay ko. "Fine! I don't want to do it WITH Zeph."
"Hay! Kaya nga ba ayoko nang may mga past sa grupong 'to!" He snarl. "Kung ako lang din ang tatanungin, tatanggalin ko na si Zeph. Sure naman ako mauunawaan niya 'yon. Pero ang mga tao, siguradong madidismaya sila na hindi kayo makikitang magkasama." Feeling ko ay tumanda ng ilang taon si Nathan sa stress na nakabakas sa mukha niya.