CHAPTER THIRTY-FIVE
After kong talikuran ang mga bagong dating na bisita ay dumiretso ako sa mga ka-crew ko. Ang ilang bisita ng lola ko at malalapit na kapamilya namin ay sinusundan ako ng tingin habang papalapit ako sa mesa ng buong crew. But I have no fucking care. Birthday ko 'to at hindi ko kailangang magpaliwanag sa kahit sino.
"Hi, guys." Bati ko sa kanila pagkalapit ko. "How's the food?" Tanong ko nang walang magsalita sa kanila. Kahit si Nathan na madalas na intrigera ay walang kibo.
"Masarap, Jame. Pero mas the best pa rin ang mobile bar. Kulang nga lang sa babae." Si Gino na halatang napilitang sumagot.
Ngitian ko siya. "Nasa ibang bansa kasi ang mga kaibigan kong single. Don't worry, nandiyan naman sila Pat, Kyla at Nathan." Well, ramdam ko namang may something kay Nina at Jay kaya 'di ko na isinali si Nina sa choices.
"Jusme! Kahit 'wag na lang." Iiling-iling na sagot ni Gino na ikinatawa ng lahat maliban sa tatlong nabanggit.
"Ang kapal mo rin talagang lalaki ka na, 'no?" Tila umuusok ang ilong ni Nathan na nasa dulo ng long table.
"Don't worry, Gino, my feelings for you is mutual. Magpapaka-old maid na lang ako kung ikaw na lang din naman ang option." Nanggigil na tinusok ni Patricia ang calamares sa platter saka kinain.
"I agree with you, Pat." Segunda ni Kyla kay Pat pero matalim na nakatingin kay Gino.
"Tsk! Kapag may nakakita kay Gino na nakahandusay sa kalsada, alam niyo na kung sinong mga salarin." Si Harry na pabirong hinampas sa likod si Gino.
Hindi ro'n natapos ang biruan ng mga ka-crew ko. Nagpahatid kasi ako sa mga waiter ng alak at pagkain sa mesa nila. Ayoko muna kasing isipin ang nangyaring pagdating ni Janine dahil kumukulo lang ang dugo ko.
Panay ang tawanan naming lahat sa tila walang katapusan na pag-aasaran, buskahan at laitan ng lahat habang nagkakainan at nag-iinuman nang dumating si Zeph.
"Hi, guys. Hihiramin ko muna sandali ang pretty woman ko, ha."
"Yuck, Zeph, ang corny!" Pagre-react ni Jay.
"Shut up, Jay." Kunwaring pagalit na sagot ni Zeph.
"Naku, hayaan mo na 'yan, Zeph. Hindi pa yata kasi nai-in love 'yan." Kampi ni Nico kay Zeph.
"Tama, laging in lust lang ang lokong 'yan, eh." Gatong pa ni Gino na biglang dinagukan ni Nathan na ikinatawa ng lahat.
"Philip, kuhanin mo na 'yang girlfriend mo bago pa magdilim ang paningin ko kay Gino."
"Ahahaha. Halika na nga, Zeph." Tumayo na 'ko para sumama kay Zeph.
"Bakit tuwang-tuwa kayo kapag nabubugbog ako ng baklang 'to?" Naaasar na tanong ni Gino na tinawanan lang ulit ng lahat.
"Diyan na nga muna kayo." Zeph said.
"See you later, guys." Kaway ko na sa kanila saka kami tuluyang umalis ni Zeph.
*****
"Sa'n ba tayo pupunta, Zeph?" Tanong ko kay Zeph nang naglalakad na kami.
"'Wag nang maraming tanong, sumama ka na lang."
Labag man sa kalooban ko ay itinikom ko na lang ang bibig ko.
Nakapasok na kami at lahat sa bahay ay hindi pa rin tumitigil sa paglalakad si Zeph. Ibubuka ko na sana ang bibig ko para magtanong nang matapat kami sa guest room na tinutulayan niya.