CHAPTER TWENTY-FIVE
"Baka naman kasi lahat ng babaeng ipinakilala mo ay secret girlfriend mo." Kasabay nang pagsasalita ko ay biglang lumakas ang maingay nang mga tao at kinuha ni Zeph ang cell phone sa bulsa niya.
Ilang saglit na tiningnan niya 'yon. "Si Baste," nakangiting lingon niya sa'kin. "Nagyaya na uminom kami pero sabi ko hindi ako pwede."
Tumango lang ako. Hindi yata niya narinig ang sinabi ko. "Kamusta na siya?!" Medyo pasigaw na tanong ko. Mas lumakas kasi ang ingay.
"Okay lang naman! Bumalik na siya ulit sa business niya!" Nakatawang sagot ni Zeph,
I frown. "What business?!"
He smirks. "Nagbebenta ng mga architectural drawings! Hindi pa kasi siya pweding maging architect dahil wala pa tayong lisensya, 'di ba?!"
"I see." Halos pabulong na sambit ko. Hay! Mas okay na yata na wala siyang narinig.
Saktong inilapag ko na sa counter ang wala nang laman na margarita glass nang bigla akong kalabitin ni Zeph.
"Bakit?"
"Tingnan natin 'yong nangyayari ro'n!" Sigaw niya malapit sa tainga ko. I close my eyes in the warmth of his breath against my cheeks.
"Sure." I reply as I open my eyes immediately.
I never expected it, but Zeph helped me to jump down from the barstool.
"Thanks." I mutter.
"No problem."
Habang papalapit kami sa dance floor kung saan nanggagaling ang ingay ay napansin ko na lumapit sa likuran ko si Zeph at humawak siya sa mga balikat ko. At nang nasa gitna na kami ng nagkukumpulan na mga tao sa dance floor ay mas humigpit ang hawak niya sa balikat ko. Napalingon ako sa kanya.
"Sa harap ka lang tumingin." Sabi niya.
Sinunod ko siya pero laking gulat ko nang maramdaman ko na may bumangga sa'kin sa gilid ko. I almost lost my balance and throw myself to the people at my other side but to my surprise, Zeph's arms are around me in an instance, holding me in place.
"Okay ka lang?" He asked, concern was in voice.
Tumango lang ako nang hindi lumilingon sa kanya. Mas humigpit din ang hawak ko sa clutch bag ko. Feeling ko makakagawa ako ng kasalanan kapag lumingon ako kay Zeph. His arms around me makes me feel hot.
Nagpatuloy kami sa marahang paglakad sa gitna ng maraming tao habang halos nakayakap pa rin sa'kin si Zeph. At ilang saglit pa, nasa bandang gitna na kami ng dance floor. Kitang-kita na namin kung ano ang pinagkakaguluhan ng karamihan. A guy and a girl dancing dirtily.
"Whoa!" I heard Zeph chuckled behind me as the partners grinded their lower body against each other.
Okay, admittedly, I myself is enjoying the show. The partners reminded me of Johny and Baby in the movie Dirty Dancing. Ahahaha.
The loud beat of the music is bouncing all over the bar. The crowd, including me, cheering for the dancers in the middle of the dance floor.
~ Can we go back, this is the moment
Tonight is the night, we'll fight 'till it's over
So we put our hands up, like the ceiling can't hold us
Like the ceiling can't hold us
Nang matapos ang kanta at ang pagsasayaw no'ng babae't lalaki sa gitna ay nakakabinging mga tili, kantiyaw at sipol ang maririnig sa buong bar.